RSS

My Turn

Madalas akong nakikinig ng ibang kwento. Madalas akong nakikibalita sa buhay ng iba. Madalas mas alam ko pa ang nangyayari sa paligid kesa sa nangyayari sa sarili ko.

Hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin ng puntong ako naman ang gagawa ng sarili kong kwento. Ako naman ang bida. Ako naman ang magiging masaya. Alam kong maaring hindi magtagal. Alam ko kung ano ang posibleng kapalit ng lahat ng ito.

Balot man ng takot ang kalahati ng aking puso, sa kabilang banda, pakiramdam ko, kumpleto na ako.

Sumuong na naman ako sa isang mapangahas na desisyon. Sumuong na naman ako sa isang bagay na hindi ko alam kung pagsubok o biyaya. Maaring kalokohan. Maaring saya.

Ito ang araw ko. At sa pagdating ng araw na to, ay wala akong sinisisi. Ano man ang kahahantungan ng panibagong kwentong ito, nawa’y maging handa ako.

Its my turn.

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on October 9, 2010 in Uncategorized

 

From Places To Places

Naniniwala si Bef na matatagpuan niya ang kanyang nakalaang eternal companion mula sa ibang lugar. Iyon kasi ang nakatala sa kanyang Patriarchal Blessing. Ilang beses niya binanggit sa kin yun, mula pa nung hindi pa nagiging sila ng una niyang gf hanggang sa pinakahuling pag-uusap namin. Hindi ko na mabilang. Pero ang pag-unawa sa Patriarchal Blessing ay iba-iba. Depende sa tao, depende sa kalagayan, depende sa mga desisyon sa buhay, depende sa natanggap na inspiration.

Kaya nga hindi na ko nagtataka kung sa mga oras na to ay taga ibang lugar ang bagong kasintahan ni besfren. Hindi naman yon imposible. Hahahaha. Oo, may GF na naman si Leonard Alarcon. Nakakatuwa lang. Hindi ko alam pero parang affected ako. Ganun ba talaga yun.

Si Rochelle Aira Tolentino ay isang single adult sa Apollo Ward, Bataan. Active LDS ang buong family niya at ang kanyang kuya na si Richard Allan ay dating ka-apartment ni Lenard sa Philippine Cauayan Mission. Mula pa man ng umuwi si Lenard noong 2008 ay nabanggit na ni Richard ang kanyang kapatid at inimbita na ito sa kanilang lugar upang makilala si Aira. Pero dahil sa may ibang plano si Bef ng mga panahong iyon, ipinagpaliban niya muna ang pagpunta sa Bataan. Ilang buwan din ang lumipas at isang mahabang kwento din ang natapos, nagkaroon na ng magandang pagkakataon si Besfren upang pag-isipan ang nakatala sa kanyang Patriarchal Blessing.

Bumisita si Lenard sa lugar nila Richard at doon ay nakilala niya ng personal si Aira. Hindi ko na alam ang mga detalye ng pagbisita niya pero mula nun, napansin ko na lagi nang naka Unlimited Call si Besfren sa Smart.

Yun na yon.

June 3, huwebes ng gabi pagkauwi ko galing sa youthcamp, masayang ibinalita sa kin ni Lenard ang pagbabago ng status sa kanyang lovelife. Nung mga araw pala na nasa youthcamp ako sa Real Quezon ay nagtungo siya sa lugar nila Aira. At yun, naging sila.

Parang mabilis yung kwento pero ganun na nga ang nangyari. Kinabukasan, naging open sa facebook ang kanilang relationship status. Hindi pa kami nagkikita ni Bef mula nung araw na nagkausap kami the day before siya pumunta sa Bataan at ako sa Quezon. Pero tyak happy siya. Hindi lang si INNOVA ang bago sa life niya ngayon, may AIRA pa! Hahahahahahaha!

Sa Patriarchal Blessing ko wala naman sinabing I will find my eternal partner as I go from one place to another. Although kakasimula palang ng bagong lovelife ni mojo, bat di mo kaya sulyapan ulit ang PB mo? Hehehe. *wink*

 
Leave a comment

Posted by on June 4, 2010 in lovelife

 

Can You?

can i kiss u?

can i hug u?

can i hold ur hands forever?

can i smell your breath?

can i whisper in ur ears?

can i look into your eyes without fear?

can i cry with you?

can i laugh without limit?

can i feel ur arms? ur neck? ur shoulder?

can i watch u sleep?

can i play with u under the rain?

can i tell the world how i feel?

can i tell God about u?

can i look on ur face with any doubt?

can i sing with u?

can i run forever with u by my side?

can i be urs as long as we can?

can i be ur friend? ur bestfriend? ur partner? ur listener?

can u?

can u?

 
Leave a comment

Posted by on May 17, 2010 in Uncategorized

 

EVERYWHERE

“Hindi mo alam kung saan at kung paano ka magsisimula. Halos kalagitnaan na ng taon. Pero parang nariyan ka pa rin sa lugar kung saan ka inabutan ng bagong taon. Buwan na ng MAYO at panahon na upang alamin ang susunod na mga hakbang. Nasa malayo man ang iyong minamahal o nasa tabi lang ng iyong puso.” -an excerpt from http://dakilangduca.multiply.com

———————————————————————————-

EVERYWHERE, Michelle Branch

Turn it inside out so I can see
The part of you that’s drifting over me
And when I wake you’re, you’re never there
But when I sleep you’re, you’re everywhere
You’re everywhere.

Just tell me how I got this far
Just tell me why you’re here and who you are
‘Cause every time I look
You’re never there
And every time I sleep
You’re always there.

‘Cause you’re everywhere to me
And when I close my eyes it’s you I see
You’re everything I know
That makes me believe
I’m not alone
I’m not alone

I recognize the way you make me feel
It’s hard to think that
You might not be real
I sense it now, the water’s getting deep
I try to wash the pain away from me
Away from me

‘Cause you’re everywhere to me
And when I close my eyes it’s you I see
You’re everything I know
That makes me believe
I’m not alone
I’m not alone

I am not alone
Whoa, oh, oooh, oh

And when I touch your hand
It’s then I understand
The beauty that’s within
It’s now that we begin
You always light my way
I hope there never comes a day
No matter where I go
I always feel you so

‘Cause you’re everywhere to me
And when I close my eyes it’s you I see
You’re everything I know
That makes me believe
I’m not alone
‘Cause you’re everywhere to me
And when I catch my breath
It’s you I breathe
You’re everything I know
That makes me believe
I’m not alone

You’re in everyone I see
So tell me
Do you see me?

———————————————————————————–

TO HEAR THE MUSIC, PLAY THE VIDEO BELOW.

 
Leave a comment

Posted by on May 2, 2010 in Uncategorized

 

Doon Sa Malayo

Gusto kong umalis. Pumunta sa malayo. Malayong malayong malayo. At bumalik nalang pag ok na ang lahat.

Hindi ko alam kung pagtakas ba ang tawag dun o isang pagnanais na makapagsimula lang ng bago. Sinasabi kasi ng mga tao na ang kaligayan ay nasa kamay natin. Kumbaga, happiness is a choice. Pero hindi naman ako naniniwala dun. Minsan sa buhay ng tao, hindi lahat magbibigay sau ng kasiyahan. Minsan, wala kang ibang pagpipilian kundi ang sarilinin ang sarili mong damdamin at tiisin ang kaligayan na sa loob-loob mo ay matagal mo ng inaasam.

Ang pagtungo sa malayong lugar ay literal na paraan upang makapagsimula ulit. Doon sa malayo kung saan hindi ka kilalang pasaway o tamad. Doon sa malayo kung saan iba ang respeto sayo ng mga tao. Kahit saang lugar naman may problema. Hindi ka naman siguro tumakas sa iniwan mong lugar. SIguro sabihin na nating nag-undergo ka lang ng training o paunang bakasyon, para pagbalik, kaya mo na ulit humarap sa masalimuot na sitwasyong iniwan mo sandali.

Pero natanong ko talaga yun sa sarili ko. Gusto ko talaga pumunta sa malayo. Sa malayong sariwa ang hangin. Sa malayo kung saan hindi ka pa kilala ng mga puno at bukirin. Sa malayo na simple lang ang kaligayan. Wala mang facebook, pero may mapipitas kang matamis na mangga sa malapit. Sa malayo na hindi makasalanan ang tingin sayo, kundi isang bagong silang na tao.

Ayokong tumakas pero gusto kong umalis. Gusto kong pumunta dun. Sa malayo. Malayong malayo. At babalik ako pag ayos na ang lahat. Imposible man yun pero kung madalas tayo mag wish ng mga imposibleng bagay gaya ng makalipad, yun siguro ang isang wish na pilit kong hihilingin.

Doon sa malayo.

 
Leave a comment

Posted by on April 14, 2010 in Uncategorized

 

Rewind Button

Abril na pala.

Kamusta na pala ang blog ko? Dalawang buwan din akong hindi nagtala ng kung anu man dito. Hindi ko alam kung bakit. O siguro alam ko, tinamad lang ako o sinadya ko lang maging pabaya. Sabi nga ni PAYB, isang YouTuber, sa limang minuto ng buhay natin marami na ang posibleng mangyari. Paano pa kaya ang dalawang buwan. Oo. Dalawang buwan din ang mabilis na lumipas.

Sympre gaya ng lumang tugtugin, maraming nangyari sa humigit-kumulang 60 araw na nagdaan. Maraming highlights. Maraming  life-changing decisions ang dumaan. Hindi naman masyadong big deal ang lahat. Pero marami din ang nabago. Nabago na ang lifestyle ko at nagbago na rin ang takbo ng tamad kong kokote. Mas lalo yatang naging tamad. Mas masipag ako ngayong maging tamad. At tinatamad akong magsipag. Nasa isip ko ang mga nakaambang gawain pero ayaw gumalaw ng mga ugat ko. Walang tulak. Walang tadyak.

Minsan hinihintay ko nalang mauntog ako ng malakas sa pader para maisip ko ng lubos na sayang ang mga dumadaang oras. Pinagsabay ko ang pag-aaral ang pagtratrabaho noon (resign na nga pala ako), at pumapanhik lang ako sa dorm ko para magpalit ng costume at diretso na sa sunod na ruta, iyon man ay patungong Ortigas o patungong riles.

ISANG MABILIS NA FLASKBACK.

BEST DIRECTOR. Holding the fruit of labor after creating a magnificent amateur music video together with Magnum Opus Prod Team.

Kalagitnaan ng Pebrero, nakamit ng grupo namin sa klase ang isang makabuluhang tagumpay. Hindi naman yon prestigious event pero iyon ay isang malaking kaganapan para sa mga estudyante ng Advertising and PR, yun ay ang BIGBANG MUSIC VIDEO AWARDS 2010. Ang ginawa naming music video noong first sem ay tumabo ng maraming parangal. Ilan sa mga ito ay Best Cinematography, Best Editing, Best Production Design, at iba pa. Tinagurian ring Music Video of the Year ang entry namin at pinalad namang kinilala ako bilang Best Director.

Hindi biro ang naging paghihirap namin upang mabuo ang pinakamalaking project nung unang sem. Humigit kumulang Php 50,000 ang naging budget namin sa pag gawa ng music video na nilaan para sa 3-day shoot sa apat na location.

Malapit ko na ring ipost dito ang kabuan ng TATSULOK Music Video.

SITEL FRIEND. With Glaze co-agent from Genuine Advanatage for a the last time with me on my last shift.

SITEL FRIEND. Glaze, co-agent from our account posed for our last photo that night.

FEB 12. Pagkatapos ng awarding ng aming music video, dumiretso ako sa Ortigas para sa kahuli-hulihan kong shift sa trabaho. Late na ko ng mga tatlong oras non. Batid na rin ng mga katrabaho ko ang nalalapit kong pamamaalam. Pero ako, parang nanatiling manhid.  Pangkaraniwang gabi lang naman yun. Queing parin, sunod sunod pa rin ang mga tawag. May mga avail pero sandali lang.

Hindi ko alam pero hindi naging mabigat sa loob ko ang huling gabing iyon. Sympre hahanap-hanapin ko ang nature at routine ng trabaho. Pero nasa isip ko kasi ang mas mahalagang kadahilanan kung bakit ko iiwan ang trabaho sa ngayon. Madalas hindi madali ang pamamaalam. Pero kung hindi ka na magpapaalam, mas madaling umalis. Napatunayan ko na nga sa sarili ko na naging manhid nalang talaga ako. Malungkot ang umalis sa Sitel dahil sa mga kaibigan at ala-ala. Pero sa aking palagay sapat na ang nailagi ko dun. Oras na para magsimula ng bagong daily schedule.

3AM ng FEB 13, disperas ng araw ng mga puso, nag log-out ako sa aking Avaya at bumyahe pauwi sa dorm.

DEFENSE DAYS. Project presentations came not only once but twice, thrice or more.

DEFENSE DAYS. Taking an instant photo opt while preparing for ADPR Research Defense.

At iyon na nga. Sunod na sunod na dumating naman ang mga defense na parang magkakasunod na bagyo sa buhay namin.

Advertising Rsearch – FEB 10

Income Taxation – MARCH 13

Account Servicing – MARCH 13 and 20 (1 by group and 2 for individual)

Integrated Marketing Campaign – MARCH 24

Hindi pa kasama dyan ang mga nauudlot at mga pinapaulit na presentation. So halos buong buwan ng March, parang nangangayat ang utak ko na matagal ng nagha-hibernate.

Fortunately, nagawa naman naming maipasa ang mga yun. At ang naging huling pasakit sa min ay ang pag-aasikaso ng final event ng department, ang AdClash.

Inabot na ko ng umaga kakablog. Matagal kasi ako magtype. Patigil-tigil. Tapos nag iisip. Nang mga nagdaang ding araw kinasal na si Ate Martha (MAR 20), sinagot ni Janina si vj, naospital ang pamangkin kong si Will, nag asikaso ako ng clearance ng trabaho, nag overnight swimming sa Jed Resort Bulacan with matching a little kaguluhan, dalawa sa katrabaho ang sumunod na nag resign after ko, nag graduate na ang isa kong kadorm sa CCP at umalis na siya bording house umalis papuntang Malaysia, at ang isa ko pang kasambahay dun ay nanganak na ang gf na hanggang ngayon ay di ko pa rin nakikita ang baby, nasira na naman ang pangalawa kong digicam, may 2 akong bagong cp, isa denglot isa fresh from farmers, ui naranasan ko rin manood ng 3D cinema sa gateway, tatlong books na ang sinimulan kong basahin na hanggang ngayon ay di ko pa rin matapos tapos, hindi ako naka attend ng Grand Alumni ng school namin, nag-audition din ako sa isang network, hehehe, at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming aso.

 
Leave a comment

Posted by on April 1, 2010 in Current Affairs

 

Sound the Bugle Now

Sound the bugle now… play it just for me
As the seasons change… remember how I used to be
Now I can’t go on…I can’t even start
I’ve got nothing left… just an empty heart.

I’m a soldier… wounded so I must give up the fight
There’s nothing more for me… lead me away
Or leave me lying here

Sound the bugle now… tell them I don’t care
There’s not a road I know that leads to anywhere
Without a light, I fear that I will stumble in the dark
Lay right down and decide not to go on

Then from on high, somewhere in the distance There’s a voice that calls,
“Remember who you are… if you lose yourself,
Your courage soon will follow,
So be strong tonight… remember who you are”

Yeah, your a soldier now,
Fighting in a battle,
To be free once more.
Yeah, that’s worth fighting for..

This music is an OST of the motion picture SPIRIT: Stallion of Cimarron performed by Bryan Adams. This song has touched my heart and somehow reflected a part of the past.

More Free Music at MP3-Codes.com

 
Leave a comment

Posted by on January 19, 2010 in Uncategorized