RSS

Sypnosis

ISANG “madramang” SYPNOSIS

Mahilig akong tumambay.

Mahilig ako sa mga bagay na nangyari na. Minsan ayoko ng pagbabago. Minsan ayokong magkwento. Pero gusto ko laging may kasama. Gusto ko ng mga bagong kaibigan. Napapagod ako sa mga bagay na paulit-ulit at wala namang magandang resulta sa dulo.

Mahilig akong tumawa.Pero mas gustong pag usapan ang mga kadramahan sa buhay. Mga plano. Mga ambisyon. Madalas gusto kong pag-usapan ang nakaraan. Hirap akong umusad. Magastos ako sa pera. Mahilig ako sa pagkain pero tyan lang ang lumalaki sa kin. May journal ako na magsa-sampung taon ko nang sinusulatan, pero matagal na rin ang huling sulat ko. Takot na kong magsulat. Takot akong maging malungkot. kagagaling ko lang sa mission at napakasayang yugto yon ng buhay ko. Walang kapalit. Gusto kong ulitin. Gaya ng sabi ko, mahilig ako sa nakaraan.

Kaya ngayon, wala akong plano para sa bukas. Mahilig akong makipagkwentuhan. Lalo na kung magdamagan. Pakiramdam ko kasi ang bawat kwento ay buhay. Hindi ako disiplinado. Mabagal ako kumilos.

Ito ang peronal blog ko.

Hindi ako nangangako na magugustuhan mo lahat ng mababasa mo. Hindi ako ikaw. At hindi lahat ng gusto mo, gusto ko din. Lagi naghihintay ang “X Button” kung sakaling hindi mo trip at pakiramdam mo’y hindi ka imbitado sa sinasabi ko.

 

One response to “Sypnosis

  1. Glezel Jean

    August 25, 2012 at 5:58 pm

    parang same taul.. s mga trip., hehe!

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: