RSS

Monthly Archives: December 2009

Akalain mo yun.

Sa dami ng mga nangyari. Sa dami ng mga ulan at hangin na dumaan. Sa dami ng mga bulong-bulungan. Sa dami ng mga ala-ala. Sa dami ng mga nabuong kwento. Sa dami ng away at bati. Sa dami ng mga niluwang pagkain. Sa dami ng mga ginastang pamasahe. Sa dami ng mga pinunood na sine. Sa dami ng lakaran, tawanan, iyakan, sigawan, tampuhan, hagalpakan, tsismisan, inisan, pawisan… heto na naman tayo.

Patapos na ulit ang taon.

Maaring maraming matatapos. O higit na maaring maraming simula. Panahon na para umusad. Panahon na naman para iwan ang mapapait na nakalipas. Oras na siguro para gumising. Magsisimula na ang panahon ng panibagong mga pangako. At mga pagsasaayos ng mga nasirang kwento.

Ito na ang isang sapat na dahilan para bumangon at baguhin ang takbo ng oras. Para ibahin ang takbo ng pag iisip. Para patatagin ang mga ambison. Para gamitin ang panahon upang magamit ng iba. Hindi ito pagkakataon upang itama ang mali. Dahil ang ano mang mali ng kahapon ay hindi na maitatama pa. Ang dapat nalang gawin ay wag nang ulitin ang mga mga pagkakamaling yon.

Hahaha. Nagsasalita na naman pala ako ng tapos. Hindi ako nagpapayo. Wala naman akong pakialam kung susundin mo yan o paniniwalaan mo.

Ang mahalaga, maiisip natin na may yugto at may bahagi ang kabuoan ng ating buhay. Kumbaga sa telenobela, palaging may kabanata. Hanggat may pahina, may pag-asa.

 
Leave a comment

Posted by on December 30, 2009 in Uncategorized

 

TATSULOK

A preview of this year’s one of the most anticipated music video entries for the annual PUP Big Bang Music Award 09. Directed by Alexander Duca under MAGNUM OPUS Production, the full-length video will be released next year of February.
Please leave your comments here or on YouTube link. Thanks.
 
Leave a comment

Posted by on December 4, 2009 in Uncategorized