RSS

Monthly Archives: March 2009

My Life. My Mission. A Tribute.

This entry was posted on my profile from March 11-28 as a tribute for the formal conclusion of Batch 447 full-time missionary service.

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Halos sampung buwan lang akong nag-mission. Kumbaga parang sampung kisap lang ng mata, nakabalik na agad ako. Umalis ako ng 2007, at bumalik din ako ng 2007. Kakaiba no. May mga nagulat, nagtaka, nang tsimis at nagtanong. Pero hindi ko naman kailangang magpaliwanag.

Basta alam ko, magaling akong missionary noon. At wala akong pinagsisisihan sa pagpunta sa Philippine Angeles Mission.

Tapos na ang termino namin kung totoosin. RM na ang mga kabatch ko ngayon. At dahil uwian na, narito ang isang makabuluhang tribute na ginawa ko noon pang January-March 2008.

SEGMENT 1

SEGMENT 2

SEGMENT 3

PHOTOS. Click on the Album Title below to view the photos.

My Life. My Mission. PART 1

Co-Senior Days“> ALBUM 2

Si Panganay.“> ALBUM 3

Huling Yugto“> ALBUM 4

Adjustment Era“> ALBUM 5

Home Coming“> ALBUM 6

AFTER 2 YEARS, Isang Reunion“> ALBUM7

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on March 28, 2009 in Uncategorized

 

Alamin Mo Lovelife Ko (Part 3, last chapter)

Tapos na ang February pero masarap paring sumagot sa mga tanong ng bayan.
1.Does anyone knows your password to  your Friendster besides yourself?
> Si Janina yata.
2. What was the last thing you ordered at McDonalds
> Chicken Fillet McSavers Meal. Langya. Halos araw-araw kong lunch. Mura kasi. Natuto na nga akong pagkasyahin ang isang cup ng gravy sa isang kainan.
3. Are you an emotional person?
> Pag mag-isa. Or depende sa kasama. Pag group kasi usually praning ako. Joke lang ng joke. Tawa lang ng tawa. Pero iba nasa isip ko.
4. Do you like your name?
> Sobra.
5. Do you believe in love at first sight?
> Oo. Totoo yon. Wag mo na ko hingan ng example.
6. Ever felt jealous of your friend?
> Hindi pa naman. Sila sa kin nagje-jealous. Hahahaha.
7. What was the last thing you did?
> Kumain ng Pancit Canton at buns.
8. Who is right next to you?
> Ate ko. Naghihintay gumamit ng computer.
9. Who were the last persons you ate?
> Ano daw? Sino ang huling taong kinain ko? Hehehe.
10. What song are you listening to?
> In My Life ni Ariel Rivera. Hindi ko yan favorite pero nasa mp3 ko.
11. How’s the weather right now ?
> Mainit. Nag-iinit ako lagi. Wahahaha.
12. Last person who called you today?
> Isang stupid na amerikano na nagpa-activate ng kanyang Windows Vista Ultimate
14. Last song you sang?
> Simpleng Tao ni Gloc 9 sa YouTube. Napaka cool.
15. Do you like anyone?
> Ano ba yan. May maitanong lang. Syempre naman. Marami akong likes. Variety nga eh. Pero usually ako lang ang nakaka appreciate ng mga likes ko. Tapos nagugulat nalang ako, ginagaya na ko ng iba. Aagawin na sa kin. Hehehe.
16. Lost a friendship over something stupid?
> Hindi naman ako ganun. Mas mahalaga sa kin ang tao kesa sa isyu.
17. Last beverage you drank?
> Eight o clock Litro na orange. Ang sarrraaapp.
18. Last food you ate?
> Pancit Canton hot chili at tinapay. Hindi pa luto ang sinaing eh.
19. What did you do last night?
> Nanood ng Twilight sa DVD. Nag internet. Nagtext. Nagpaka bored.
20. Faked being sick to miss school?
> Oo naman. Normal ako. Marunong akong magsinungaling.
21. What time did you wake up today?
> 430am. Masakit sa ulo ang gawaing gumising ng ganyang oras. Pero kailangan para makasurvive.
22. Last person you talked to?
> Kausap ko ngayon ang ka-mission ko na si Marvi Pioquinto. Naging magkasama kami sa Camiling Tarlac nung mga huling araw ko sa mission. Masarap siya kausap dahil isa siyang listener. At yun talaga ang hanap ko. Nagkakamustahan lang kami sa facebook chat.
23. Last person you made fun of?
> Sila otcho sa office. Nakikinig kasi kami ng mga OPM band sa YouTube then bigla kong pinatugtog ang kanta ng Julio at Julia, Kambal ng Tadhana. Hahahaha.
24. What are you wearing right now?
> Wala. I mean, garments.
25. Are you too quiet to ask anyone out?
> Hindi naman. Kasi ako naman lagi nanlilibre. Gusto nila yun.
26. What is the first thing you notice about the opposite/same sex?
> Sa opposite sex, yung behavior. Ayoko ng babaeng maingay or in short yung sigaw ng sigaw or reklamo ng rekalomo. Gusto ko yung game siya lagi sa kahit anong trip sa buhay or sabihin na nating risk-taker. Sa same-sex, magaling ako mag judje kung gwapo or hindi, kung may appeal or wala, kung pang love or kung pang lust. Hahahahaha. Bawal magreact.
27.Where are you right now?
> Palasyo.
28. What date and day is it?
> 24-March-2009
29. Did you go anywhere today?
> Wala naman. Trabaho tapos bahay. Tapos mamaya punta ako sa Church namin.
30. What did you do there?
> Nagbanat ng ngala-ngala. Hirap maging callboy.
31. Where else are you going today?
> Sa Church. May Institute class kami.
32. Are you watching TV?
> Hindi masyado. I-witness lang. O kaya anime. Or bubble gang.
33. Are you mature or immature?
> Immature. Masasabi mo lang naman na matured ka na kapag alam mo na immature ka pa.
34. Are you closer to your mom or dad?
> May ganun? Ok lang naman.
35. When was your last kiss?
> Hindi ko na matandaan kung sinong huling humalik sa kin.
36. What school do you go to?
> Mag e-enroll pa lang po. Itutuloy ang endeavor sa PUP.
37. Whats the most annoying thing people say to you?
> Kulangot mo fake.
38. Do you like music?
> Oo. Variety. Walang genre. Basta ayos ang rythym at lyrics, patok na sa kin.
39. Do you want to get married?
> Oo. Someday. Kailangan yun.
40. to whom?
> Kung sino man ang itinakda ng Diyos. Alam ko meron. Kailangan ko lang hanapin. O kaya naman baka nasa paligid ko na. Nag-iisip din ako minsan. Kakaiba kasi. Kailangan ko ng disiplina. Sa ngayon, layas muna ko. Insti na namin.
 
1 Comment

Posted by on March 24, 2009 in Uncategorized

 

Comfort Zone

Naglalaho ang comfort zone hindi dahil sa mga biglaang pagbabago na nangyayari sa buhay.

Minsan ang pag alis sa comfort zone ay bunga lamang ng mga pangyayari na hindi mo kayang pigilan o sadyang nangyayari at wala kang palag.

Malulungkot ka ng matindi sa pag alis sa comfort zone. Ma-re-realize mo, wala kang karapatang manatili sa lugar na yon. At para maging matatag ka, paulit-ulit ipapamukha sa yo na may mga bagay na hindi mo kailanman makakamit.

Sosolohin mo ang pagluluksa. Ni bulong sa katabi mo, hindi mo magagawa. Bakit? Dahil wala silang mauunawaan kundi ang narinig na nila noon. Kasabay ng mga opinyon na puro one-sided.

Pag natuklasan mo na wala ka na sa comfort zone, doon mo makikilala ang mga tunay mong kaibigan, at mga kabigan na kaibigan mo lang pag Poo Friendship Day.

Isa lang ang naintidihan ko sa araw na to, kung aalis ka sa comfort zone, dapat alam mo na yun noon pa. Pangalawa, dapat may dala kang mapa. Pangatlo, sikapin mo na mayroon kang kasama. Iwan mo lahat ng mga hindi dapat dalhin tutal marami kang mapupulot sa daan. Magtataka ka nga lang dahil may mga pangyayari na dapat sana, magiging masaya ka. Pero sa paglubog ng araw, magulo pa rin ang utak mo. Tapos pilit kang hahanap ng dahilan.

Sisikapin mong maging casual ang lahat kahit sa loob mo, may matinding sira.

Sa pagtatapos ng araw, itatago mo ang kahulugan ng gusto mong iparating. At tanging mga kasabayan mo lang ang makakaintindi. Malas mo pa kung kalahati lang ang naintidihan nila.

Kung itatanong mo sa kin kung nasaan ang comfort zone, sasabihin ko sayo na ang comfort zone ay hindi isang lugar. Hindi rin isang kalagayan. Hindi pangyayari sa paligid.

Comfort zone ang tawag sa takbo ng pag iisip na hindi mo malaman o hindi mo mahanap ang dahilan, saan ka man pumunta, sino man ang kausapin mo. Karugtong nun ang walang hanggang pagtatanong.

 
Leave a comment

Posted by on March 16, 2009 in Uncategorized