RSS

Monthly Archives: February 2009

Ayun Na Nga.

At nagkita-kita kaming magkaka-batch sa temple.

Tulala lang ako. Instant reunion.

Masaya. Walang duda. Walang kapalit ang muling pagkikita-kita.

Walang tanong. Walang pagtataka.

Isang makasaysayang hapon sa inyong lahat.

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on February 25, 2009 in Uncategorized

 

Alamin Mo Lovelife ko (Part 2)

Ito ang pagpapatuloy ng tanungan. Mga hinugot na tanong mula sa mga nagkalat na survey sa bulletin post ng friendster.
1. What do u think is the reason why most men are two timers?
-kasi inborn yata yun sa kanila.. (kanila? hahahaha)
2. Have u ever said, u’ll never love again?
– hindi ko pa nararanasan ang two-way attraction. Lagi one way. Parang mga iskinita sa palengke. Laging masikip. Madalas patago.
3. Is there anything bothering u right now?
-marami. Malalaking botherings. Minsan gusto ko lang bumitaw habang nakasabit sa jeep. Buti nalang malamig ang hangin paakyat sa Antipolo.
4. Is there something you wanna let go of?
-the past. Marami mula dun. Walang makatulong sa kin.
5. Do the old songs u had in ur past really remind u of the memories?
-ganun siguro talaga pag nostalgic. Parang lagi kang paranoid to go back from the past. I dont think everything is improving as time goes on. May mga bagay na mas masaya pa rin ang nakaraan.
6. How important is “trust”?
– kelangan yun para hindi lumubo ang populasyon.
7. Do u believe in soulmates?
– wala sa doctrine ng Church. Pero naniniwala ako sa pre-mortal promises.
8. How do u learn to forget?
– I cant. I am always hunted by the past. Parang bangungot. Pero nag-eenjoy kang matulog.
9. Is crying a sign of weakness?
– Hindi. Magaling sa iyakan si Maricel Soriano. Idol ko yun. Nakakadala lagi.
10. Why do u answer surveys?
-para maisa-isa ko ang bagay na pwede kong i-share. Sa ngayon, hindi ko kaya ang narratives.
11. What is ur current ringtone?
– Nokia standard ringtone.
12. Do u believe that absence makes the heart grow fonder?
– Oo. Madalas kung kelan wala ang tao, tsaka natin nare-realize ang kahalagahan niya.
13. Do u find ur ex’s new gf/bf goodlooking?
– Hindi. (parang meron)
14. What will u do if ur stuck in the elevator with someone u don’t like?
-kakanta ako ng “I Will Survive”, version ng Spartans
15. Have u ever wanted someone that u can’t have?
-Lifetime frustrations ko yan.
16. Have u ever said ‘i love u’ but u lied?
– hindi naman ako pala sabi ng I Love You.
17. Would u ever want to go back in the past?
– nakakapagod. Pero kung may chance marami akong babalikan. Marami akong itatama. Sasapukin ko ang sarili ko. Tapos sasabihin ako, wag kang pokpok. Mag isip ka.
18. Do u really wanna please everybody?
– hindi ako ganun. Basta komprtable ako. Minsan may pressure. Minsan may ganong motivation. Pero it helps.
19. Is waiting ever okay?
-masasanay ka nalang. Immunity is the best medicine. Kahit nakakangalay, basta desidido kang maghintay, gagawin mo. Kaya ka nga naghihintay dahil gusto mo yun eh. Lagi kang may choice, either to give up or to wait.
20. Right now, where do u wanna be?
– doon. Gusto kong bumalik dun. Gusto kong suotin ulit yun. Gusto ko ulit maglakad maghapon. Pero pauwi na ko. Dumaan nga lang ako sa short-cut.
21. When is enough, enough?
-pag may peace of mind.
22. What are you so sick and tired of?
-gumising para mabuhay. Matulog para gumising. Magbyahe. Mag waldas ng pera. Mag-aksaya ng oras. Nakakapagod ang mga bagay na paulit-ulit lalo na pag hindi naman yun ang gusto mong gawin. Pero wala kang choice. Hindi totoo ang kasabihang “mayron kang choice palagi.”
23. Who made u smile today?
– si dani. hahaha. Nagpalitan kami ng love songs sa IM. Ewan ko bakit niya naisipan yun.
24. Is looking good important?
– aba oo naman. Ang mundo ay isang beauty pageant. May talent portion. May rampahan. May question and answer. Minsan madadapa ka, pero dont worry, laging may backstage.
25. Do u listen to love songs when ur down?
-oo. Madalas ako mag senti pag naglalakad ng solo. Pag nasa byahe mag-isa. Pag nakakakita ako ng overlooking.
27. Do u agree that men are polygamous by nature?
-oo yata. Wala akong point of view dyan.
28. Do u believe in forever?
– i believe in eternity.
29. What are ur plans for the weekend?
– pumunta sa PUP. Mag movie marathon. Tumambay kung saan malamig. Makipagkwentuhan hanggang sa magkapuyat-puyat basta matino ang kausap. Bihira lang kasi makakita ng taong matinong kausap nowadays. Sobrang bihira.
30. Do u say sorry first?
-may pride ako pero marunong akong mag sorry kung ako talaga ang mali.
31. Has someone promised u something and broken?
– oo lagi. Kaya hindi na ko nag-e-expect. Kung hindi niya gagawin, walang problema. Kung tutuparin niya, edi kasama na siya sa journal ko.
32. Do you want to go out of the country?
– gusto kong pumunta sa malayo. Pero hindi pa pwede sa ngayon.
33. Does the rain make u gloomy?
– oo. Kapag maulan naliligo ako. Nakakalungkot kasi. Lagi nalang may drama. Pag maaraw malakas ang tawanan. Pero pag maulan, lumalabas ang lahat ng dumi sa kalsada.
34. For now, what is the one thing that u want so bad?
– gusto kong lumipad para tumakas sandali at bumalik kapag peklat nalang ang natitira.
 
Leave a comment

Posted by on February 19, 2009 in Uncategorized