RSS

Monthly Archives: January 2009

Alamin Mo Lovelife Ko (Part1)

Ngayong February, matapang akong sasagot sa mga katanungan na hindi ko personal na sinasagot. Kung mayron kayong mga tanong na hindi niyo maitanong sa kin ng harapan, mag comment lang. Hahahahahaha!
Happy Valentines!
1.Sa tingin mo ba easy-to-get yung mga babaeng umo-oo agad pgktapos ng dalawang buwan?

*Depende. May mga kilala nga ako ilang weeks lang pero strong naman ang relationship nila. Sa tingin ko hindi naman basehan kung gaano katagal nanligaw ang isang guy. Pero usually, pag matagal bago sinagot ng babae yung lalaki, mas hard to lose yun.

2.Kailangan pa bang mgtanung yung lalake kung pwedeng manligaw? O pwede na yung ipakita nlang nya?

* Sa tingin ko mas maganda kung makipagkaibigan muna yung guy. Dpat friendship muna then tuutngo sa courting and dating. Minsan mas maganda din magpaalam para clear ang kanyang intentions.

.

3.Laos na ba ang flowers at chocolates? Anu nbang uso ngayon?

*Laos? Hindi naman. Pero ayoko talaga ng nilalaro lang ang relationship. Uso ngayon yung nakikipag bf or gf for the sake of companionship which I hate.

.

4.Kapag ba ngdadate dpat yung lalake lang yung mgbbayad?

* Hindi dapat KKB unless inako nung lalaki. Pero dapat huwag nang mag expect yung babae. Dapat may pera din siya at huwag nang mag isip.

.

5.San ba pwede pumunta kpag mgddate? Pwede nba sayo yung picnic sa luneta park?

*May friend ako gusto niya sa bahay lang nung guy. Sa tingin ko ayos yung ganoong idea. Mas intimate. Korni kasi kung lalabas sa mall, pupunta sa Ynares or wherever. Minsan ginagawang dating place ang temple. Jologs din. Pero okay pagtamabayan. Walang masama sa Luneta. Pero mas prefer ko sa mga overlooking place. Lagi ako dumadaan sa Sumulong High Way since college pero ni minsan hindi pa ko bumaba dun upang pagsawaan yung view sa gabi.

.

6.Kpag hinarana ka ng manliligaw mo, kikiligin ka ba? O sasabuyan mo sya ng tubig?

* Baduy siguro sa una pero sweet yun ah. Make sure may 2nd floor ang bahay ng babae. Kasi kung wala, mukha lang nangangarolling. Ako, hindi ako manghaharana, pero kakantahan ko sa videoke yung magiging loveone ko. Panis.

.

7.Sa tingin mo ba, malandi yung mga babaeng agresibo?

* Hindi naman. Depende sa pagka agresibo. May times na dapat expressive yung babae. May times na she should shut up.

.

8.Anong reaksyon mo kapag nkkakita ka ng mga babaeng nkatube top, at mini skirt na dumdaan sa footbridge?

* Kung keri lang niya, why not. Pero i-expect na niya na eksena siya dun.

.

9.Sino yung pinakabata mong kilala na may girlfriend / boyfriend na?

* OMG. Yung ibang young women sa ward.

.

10.Madami kbang kilalang dalagang ina sa ngayon?

*Marami maagang lumandi.

.

11.Naloko ka nba ng dati mong kasintahan?

*Wala naman akong naging dating kasintahan. Bawal sa kin.

.

12.bkt kya hndi makuntento ang mga two-timer?

* Kasi wala silang control sa kanilang emotions.

.

13.Bakit kaya pakipot ang mga babae?

* Because waiting make it more worthwhile. Kelangan din yun. At yung lalaki dapat matyaga.

.

14.Ilan na yung taong nging kasintahan mo na di mo talaga sineryoso?

* WALA PA NGA AKONG NAGING!! Lintian.

.

15.Sa tingin mo, bakit kya yung ibang tao ayaw ng commitment?

* Kasi takot sila sa consequences.

.

16.Anung mas mganda? MU o yung opisyal na magkasintahan?

* MU muna. Pero dapat hindi manitiling matagal na ganun. Goodness, anong petsa na para mag MU. Kayo kung kayo.

.

17.Mssabi mo bang mgkaugali kayo ni Maria Clara?

*Oo naman. Pero hindi na virgin. Wahahahahaha!

.

18.Habang nsa escalator ka sa mall, may mgkasintahan na bglang ngfrench kiss! Anong mgging reaksyon mo?

* Wiw. Pwede ba sa kwarto niyo gawin yan? Kun sa bagay sa ortigas nga, lalaki sa lalaki nag torrid sa emerald avenue 2am.

.

19.Isang gabi habang ngaabang ka ng jeep, may lumapit tapos hinhingi number mo. Anong ggawin mo?

* Kung trip ko siya, why not. Basta may kiss na kapalit.

.

20.Mabilis kbang mainlove?

*Graduall. Minsan napipilitan. Pero bawal ako mainlove. Hirap mag repent eh.

.

21.) Cno yung first crush mo?

* Letche ka. Next question.

.

22.)Who’s your worst bf/gf?

* No gf/bf since birth. Minsan longing. Madalas wondering. Or wandering.

.

23.Mabilis kbang magsawa?

* Saan? Sa tao? Hindi. Madalas ako magsawa sa mga routinary na bagay na hindi ako nag eenjoy.

.

24.Baket ba tayo ngssawa? Anung pwedeng gawin kpag mukhang ngkksawaan na kyo? Baket?

* Kasi madalas nagmamadali ang mga tao. Ayaw nila mag stop and talk for a while. They should try different things. Mas weird mas masaya. MAs creative, mas hindi malilimutan.

.

24.)When a person gives you a ring. Anong dapat gwin ?

* Depende kung sino nagbigay sau at okay ba ang relationship niyo. May nagbigay sa kin ng CTR ring, sinuot ko lang ulet nung naging ok na kami.

.

25.May binasted knbang babae/lalake na pngssihan mong binasted mo sya?

* May mga binusted akong babae. So far, may peace. Hahaha. Sakit noh.

.

26.Ngkaroon knb ng stalker? Sino yun?

* Yup. Nakakatakot. Kelangan magpalit ng sim.

.

27.Anung itsura mo kpag inlove?

* Casual. Pero madalas ubos ang pera. Hahahaha.

.

28.May nging ka MU knb?

* MU? Mag-Un? Wala pa. Wala akong legal na lovelife since birth.

.

29.Ano nging ending? Bitter ba?

*I was born bitter.

.

30.Kpag nkkita mo ang dati mong kaMU, anong nrramdaman mo?

* Hindi na ko maka relate sa mga tanong.

.

31.Gaano kahirap magmove on?

*Mahirap pero hindi imposible.

32.May time ba na naobsess ka ng sobra-sobra sa crush mo at nging stalker ka nya?

* Ayoko naman ng ganun.

.

33.Msya bang mging single?

* Nasanay nalang ako. Mag-isa. Minsan kahit may kasama, feeling ko pa rin mag isa ako.
TO BE CONTINUE
 
Leave a comment

Posted by on January 30, 2009 in Uncategorized

 

JANUS (Bayad Muna, Bago Baba)

May panibagong taon.

Ano kayang meron?

Naiisip mo ba ang mga kwentong mabubuo ngayong taon?

Unang araw ngayon ng 2009.

Sana marami akong mailagay sa blog na to.

Sana hindi na puro emote.

Hahahaha.

Ang nakaraang taon ay isang byehe ko sa bus papuntang temple.

May mga pasahero na nakiupo. May mga tao na sumakay kahit hindi ko nakatabi. May mga nanatiling nakatayo at hindi ko naka-kwentuhan. Meron namang nakipag tinginan at nakipagngitian lang sa kin.

May mga tao naman na tumabi sa upuan ko. Nakipag kwentuhan. May nakisandal ng balikat. Meron namang tumabi nga pero dedma at maya-maya ay lumipat din ng upuan. Yung ibang sumakay, nakiupo sa tabi ko at nakipag siksikan kahit puno na ang upuan. Masakit sa kin na wala silang magawa kundi ang umupo sa mas maluwang na upuan at walang katabi.

Minsan tumatayo ako sa bus. Malakas ang hangin dahil walang aircon. Minsan lumilipat ako ng pwesto at sinusubukan kong tumabi sa ibang pasahero.

May iba na umakbay sa kin at nakipag kwentuhan. May iba akong tinabihan na tinulugan lang ako habang ako ay nagkwe kwneto. Meron din naman akong tinabihan na labag sa loob nila pero wala akong pakialam. Minsan tumatabi ako sa taong gusto ko pero lilipat din ako ng ibang pwesto tapos yung iniwan kong yon eh susundan din pala ako kung saan ako uupo. Ang gulo tuloy. Pero gusto ko naman.

Naisip ko yun. Minsan gusto ko yung sinusundan ako kung saan ako uupo. Pero pag ayaw ko sa sumusunod sa kin, nakikisiksik ako sa ibang upuan.

Nakakalungkot na pwede kong piliin kung kanino ako tatabi. Pero hindi ko pwedeng piliin kung sino ang tatabi sa kin. Wala akong kontrol kung kelan bababa yung tao na nakisakay sa bus. Madalas, pag gusto ko yung katabi ko, humihiling ako sa Diyos na sana magkaroon ng mahabang traffic o kaya na sana ay hindi na matapos ang byahe.

Masakit sa kin na may ilan na kailangan ng bumaba kahit ayaw ko pa. Pero masaya ako kung isang araw ay papara ulit sila upang makisakay.

Kaya kong ilibre ng pamasahe ang taong hihiling sa kin. Pero wala akong magagawa kung hanggang pagsabit lang ang gagawin nila. Gusto ko man silang paupuin ng matagal, hindi ko sila hawak.

Minsan sa loob ng bus, nakatingin ako sa malayo. Nakikita ko mula sa unahan o sa likuran yung mga pasahero na sana ay gusto kong tumabi sa kin. Pero masaya sila sa pwesto nila. At kahit kunin ko ang kanilang atensyon, kontento na sila.

May bababa. May magtatagal. May tatabi. May lilipat ng upuan. May mananatiling nakatayo. May magbebenta ng mani.

Dumating sa punto na natapos na ang byahe at nasa paradahan na ang bus. Maya-maya, magsisimula ulit ang panigabong byahe.

Excited ako kung sino-sino ang mga bagong sasakay. Or kung tatabi pa rin ba sa kin yung mga nakatabi ko nung nakaraang byahe.

 
Leave a comment

Posted by on January 1, 2009 in Uncategorized