RSS

Monthly Archives: December 2008

Ganito Din Yon.

Isang taon na.

Kasabay ng hangin.

Lahat bumabalik.

Isang kakaibang pagdiriwang.

Habang may natitira pa.

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on December 15, 2008 in Uncategorized

 

Welcome Home (Episode 2)

Malamig ang hangin. Madalas umihip.

Marami akong naalala sa ganitong klima ng panahon. Marami akong naiisip. Pero mahirap sa kin isa-isahin ang mga iyon. Mahirap dahil malamig ang panahon. Kung totoosin ito ang pinakapaborito kong bahagi ng taon. Pero sa isang iglap nag-iba ang pananaw ko sa buwan ng Disyembre.

isang mapanghusgang buwan ang Disyemre. Puno ng masasaya at hindi masasayang sandali. Nakikila ko sa panahong ito ang mga taong nakilala ko ng husto at hindi ko pa pala kilala sa mahabang panahon. May mga planong nag-iba ng direksyon. May mga matang bumuka at nagsimulang mamintas.

Bumubulong ang bawat hampas ng hangin. Hinihila ako sa isang lugar na nasa na kung pwede lang ay ayoko munang makita.  Isang nakakapagod na lugar. Isang panahon na walang pahinga. Isang yugto na walang bakas ng susunod na mga araw.

Sa panahong ito, lahat ay bahala na. Malamig ang buwan ng Disyemre.

Natatandaan ko ng buong puso kung saan ako nagmula noong nakaraang Disyembre ng taon. Mula sa mapusyaw na paradahan ng Cubao hanggang sa makinis na aspalto ng Sumulong High-Way, papunta sa kinalakihang lugar at pabalik sa tahanang puno ng tanong.

Wala akong ibang kinausap kundi ang simoy ng hangin. Nagtataka. Natatakot. Pero walang pagsisisi. Masayang naganap ang lahat. Bawat desisyon, may layunin, may kadahilanan na hindi ko pa rin mailarawan hanggang ngayon.

Isang taon na nang huli akong tumapak sa mga lupang ito. Malapit nang maubos ang taon. Malapit na sa kalagitnaan ang Disyembre. Nauubos ang oras. At mahaba pa ang gabi.

 
Leave a comment

Posted by on December 8, 2008 in Uncategorized