RSS

Monthly Archives: September 2008

SAMPUNG BAGAY

 

 

1. Basahin mo lagi ang blog ko.

2. Sama ka sa kin tuwing off ko. Marami tayong pupuntahan.

3. Lagi ka mag unli. Lalo sa Smart.

4. Puntahan mo mga account ko sa ibat-ibang sites.

5. Tambay tayo. Wag nating isiping may pasok bukas. O may naghihintay sa ting umuwi.

6. Tapos sabayan natin ng kwentuhan. Kahit anong topic. Walang bounderies.

7. Samahan mo ko sa Dipaculao. Babalik ako dun this year. Marami akong babalikan. Samahan mo kong bumalik sa nakaraan.

8. Nood tayo kahit anong animations. dokyu. indie film. basta productive.

9. Magtanong ka kila angelita, cristhine, jeremiah, alder ang, nanay nangnang, vera, noemi gonzales, michael griffon, eira hassim, gadwina, maybelle, lenard, kaila, elder davidson, randy adolfo, mrs martinez (teacher ko sa english nung 3rd year), bishop detoyato, ate lynn, pearl, papa pau, BP ng bamban, elder thompson, atbp.

10. Ano man ang naiisip mo.

 

Posted on my friendster profile Aug 2008

 
Leave a comment

Posted by on September 23, 2008 in Uncategorized

 

Tags: , ,

BARADO

Natapos ang isang araw. Nakakatawang isipin na kahit paulit-ulit lang ang lahat, may mga bagay pa ring hindi na mauulit kailanman. May mga bagay na bago. May mga bagay na nakataktak na at tila ba sumpa na hindi maalis-alis.
Hindi makausad ang mga sasakyan sa kahabaan ng Rosaryo isang umaga. Bawat ay isang bara sa kapwa jeep. Maluwang sana ang nasa dulo ng high-way ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay mas pinili ng ilang sasakyan na magsiksikan sa hulihan. Natataranta na ang mga pasahero. Tanghali na kasi. Mahuhuli na ang lahat pero walang magawa dahil barado ng traffic ang hinaharap.
Kung alam lang sana ng mga driver kung gaano kahalaga ang makarating ang kanilang sasakyan sa tamang pupuntahan, wala sigurong maglalakad na pasahero, o wala sigurong mahuhuli sa trabaho. Pero wala tayong masisisi.
Ibat-ibang uri ang traffic. May traffic sa kamaynilaan. May traffic sa kalye. At madalas mas ramdam ko ang traffic na hindi nakikita ng ibang tao. Eto yung uri ng trapiko na hindi mo alam kung sino ang pwedeng mag ayos ng buhol. Eto yung traffic na walang jeep pero barado ang kalsada. Lahat hindi makausad. Puno ng humps ang bawat kanto, at hindi mo alam kung maghihintay ka ba ng tamang daloy o pipilitin mong itulak ang lahat ng sanhi ng pagka traffic.
Miinsan maglalakad ka nalang mag-isa. Pero alam mong hindi yon ang maghahatid sa yo sa iyong pupuntahan.
Nkakasawa ang traffic. Pero kailangan magpatuloy. Hindi madaling makarating sa Ortigas, lalo na kung ang haharapin mong byahe ay hindi mo naman nakikita.
 
Leave a comment

Posted by on September 3, 2008 in Uncategorized