RSS

Monthly Archives: August 2008

WILL Has Arrived

Para bang isang panibagong simula ang lahat. Kakaibang saya ang dala ni Will sa family namin. Hindi ko maipaliwanag nang una kong makita ang una kong pamangkin na umiiyak sa nursery. Para bang hindi mo maipaliwanag na minsan ay nasa loob siya ng tiyan ng ate mo at bigla nang lumabas upang simulan ang paglalakbay niya dito sa mundo.

Sa ngayon, patuloy lang. 5 bagay lang naman ang kayang gawin ni Will.

Matulog.

Dumede.

Tumae.

Umihi.

Umiyak.

Kakaiba pa nga dahil graveyard si Will. Kung kelan lahat kami ay nahihimbing dun naman siya alive na alive. Pero ayos lang. Its nature’s design kumbaga.

Sa ngayon madalas excited ako umuwi. Minsan ita a whole new start ang dala ni Wil. Bagong wonders. Bagong mysteries. Bagong miracles. Sa kabilang banda, parang bagong strength. May bagong member sa family namin. Hanggang ngayon kakaiba pa rin ang feeling. Maingay ang bahay hindi dahil sa mga nagmumurang bibig. Kundi dahil sa iyak ng isang anghel na may dalang panibagong simula sa lahat.

Click mo dito para sa video.

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on August 12, 2008 in Uncategorized