RSS

Monthly Archives: April 2008

DUGONG DOKUMENTARISTA

Type O+ ang bloodtype ko. Pero nito ko lang lubusang naramdaman ang isang pang uri ng dugo na nasa ilalim ng aking balat.

100_0136_1

Hindi ko alam kung pwedeng ipagawa sa Recto ang nametag na to. Pero isa lang ang alam ko, hindi ko na maisusot pa ang bagay na yan pagkatapos ng araw na yon.

100_0242

Hindi maiiwasan ang isa sa inaasahan ko, Nakilala ko si Gadwina, Goddes of War. Pero isa siyang masayahing guro ng pampublikong paaralang sekondarya sa Quezon City. Nagkasama kami mula sa unang tapak namin sa venue hanggang sa maramdaman ulit namin ang init ng Mandaluyong pagsapit ng dilim.

100_0159

Ang Inagural Class Picture. Nasa likuran namin ang apat na batikang dokumentarista. Nasa blog ni Howie ang jpg ng class photo.

100_0205

Isang kurso sa college ang editing. Kaya napabilib ako sa diskarte ni kuya howie na gamitin ang dalawang huling oras ng seminar.

100_0217_1

Walang hand-outs. Kaya naging best friend namin ang mga ballpen, papel at notebook. Yung iba gumamit ng voice recorder. Yung iba naman, pumusta sa lakas ng kanilang memorya.

100_0219

Diversified ang seminar. Totoo yon. Iba-iba ang takbo ng mga utak. Pero halos lahat dynamic. Kaya nang magpa-group activity si Sandra Aguinaldo, naubos ang oras sa kani-kaniyang opinyon. Walang nabuo. Ewan ko lang sa ibang group.

100_0218

"Food and drinks for the entire day will be provided by us."  Jenny, 4-April-2008, 21:06:47

100_0184

Naniniwala ako na sa bawat makabuluhang dokumentaryo ay may isang masigasig at mahusay na cameraman. Eto si kuya Jay, cameraman sa team ni Jay Taruc. "If its not on the video, it did not happen," sabi ni Kara sa Scriptwriting.

100_0249

Hindi ko na matandaan ang complete name ng kapatid naming muslim. Sa pagkakatanda ko isa siyang Muslim leader, book author, advocator at sa kanyang mga opinyon ay lumalabas na isa rin siyang economist. Hindi nila malilimutan si Usof.

100_0222

Mabilis lang ang oras kaya hindi ko alam kung sino ang nagtoothbrush o hindi sa amin. Naisip naman yata yan ng mga staff. Ito ang prueba.

100_0252

Maliban kay Gad, at sa mga ka-grupo ko, naging biglaang friendly kami sa isat-isa ng mga kapwa ko dokumentarista. Pero sa totoo lang, hindi ko na matandaan ngayon ang kanilang mga pangalan.

100_0257

Subukan mong isipin. May mahigit 20-hour na video. Tapos pagkasyahin mo ito sa loob ng 30 minuto. Bukod pa dyan ang iba pang responsibilidad. "Ang editing ang bloodlife ng bawat dokyumentaryo" sabi ni howie. Eto si kuya _______, isa sa mga master editors.

100_0186

Syempre, may tanungan portion. At may tatlong uri ng tanong sa seminar. 1) Inosenteng tanong  2) tanong na hindi yata tanong o hindi na dapat itanong 3) tanong for the sake of publicity. Opinyon ko lang yan.

100_0260_2

Ito ang mga astiging individuals na may pakana ng historical event na yaon.

100_0273

Sa kabuoan, isa sa mga araw na hindi malilimutan ang nangyari sa seminar. Nagkaroon ng blood transfussion. Ang mga may leukemia, nadagdagan ng dugo. Ang iba, kelangan masugatan bago mapansin ang dugo na hindi lang kulay pula. Ang iba naman matagal ng alam ang nanalaytay na dugong yon. Pero sa kaso ko, hindi lang basta pag-upo o pakikinig ang natunghayan ko sa isang bulwagan ng megamall. Isa iyon sa mga oras na tumulak sa kin papunta sa isang daan na hindi ko pa alam ang direksyon sa ngayon. Pasalamat nalang ako sa dugong dokumentarista. Hindi ako maliligaw.

*for additional photos, visit dakilangduca.multiply.com

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on April 9, 2008 in Uncategorized