RSS

Monthly Archives: January 2008

Untitled Post

today, i cried a pail of tears because i am so weak.

again.

Leave a comment

Posted by on January 18, 2008 in Uncategorized

pinakamalalim na lubak

Nakilala ko si red. Nakaupo siya nun sa gutter ng el dorado, nagtetext. Sinasamantala ang unlimited text niya dahil malapit na raw mag-expire.

Tumabi ako sandali sa kanya. Madaling kausap si red. Kahit noon lang kami nagkakilala, hindi siya nalito sa mga sinasabi niya. Masaya ang kwentuhan na yun. Iyon ang pinakamasarap na kwentuhan sa buong buhay ko. Nakikinig lang ako. Inaasahan ko matatapos ko ang kwento niya. Pero biglang umulan. Hinayaan lang naming dalawa ang ulan, mas masarap kasi ang kwentuhan kasabay ng ulan.

Binanggit niya ang mga nakakatuwang bagay na hindi mauunawaan ng maraming tao. Nang mag-expire ang unlimited text niya, nawalan siya ng bantay. Kung saan-saan napunta ang mga message niya, puro wrong sent.

Sabi niya hindi na siya marunong mag toothbrush. Hindi na rin siya naliligo. Iba na rin ang sinusuot niya, dahil sabi niya, dati mayroon siyang sinusuot na hindi basta sinusuot ng kahit sino. Hindi na rin niya alam ang spelling ng pangalan niya dahil hindi na sila nagkikita ng mukha niya sa salamin.

Patuloy ang agos ng tubig sa gutter.

Dinugtong pa ni red na lahat ng mga makakatext sana niya, biglang nawalan ng mga sim. Dahil dun, hindi na niya mahanap ang sarili niya sa lugar na kinauupuan namin. Hindi ko naman masasabing problemado si red. Mukha naman siyang masaya. Pero habang nakikinig ako, naramdaman ko na higit pa sa pagtetext ang nais gawin ni red. Higit pa sa pakikipag kwentuhan. Pero matatag si red.

Sa ngayon, wala na raw siyang pakialam. Nawalan siya ng pakialam. Para ba daw siyang nabulag kahit nakakakita pa siya. AT nagtanung din siya kung naransan ko na ba daw makarinig pero wala akong maintindihan. Sa araw-araw, higa lang ng higa si red. Parang masisiraan na siya ng celpone. Dahil nalimutan na niya paano mag type ng message sa text.  Nalimutan niya o hindi na niya alam.

Sabi ni red, gusto niyang tapusin yung message niya na nasent sa maling receiver. Pero wala na siyang magagawa ngayon. Kahit ipaagos niya sa ulan ang celpone niya, huli na dahil expired na ang unlimited niya. Na-expire sa gitna ng gabi kasabay ng serena sa solid cement.

Paulit-ulit bumabalik sa isip ni red ang lahat. Gumugulo. Hanggang sa dumating sa punto na hindi niya alam kung paano matutulog ng gabing iyon, dahil hindi na rin daw niya alam kung paano gigising. Ang gusto lang niya ay makipag kwentuhan. Kahit paminsan-minsan, aniya, ay hindi lubusang nauunawaan ng kaluluwa niya ang kanyang pinagsasasabi, o kahit ang pinag dadaanan niya ngayon.

Malaki ang panghihinayang ni red. Hndi niya inakala na sa simcard niya pa mangyayari yun.

Sa gitna ng pakikinig ko, biglang nawala si red. Tumayo ako upang hanapin siya. Malumanay lang ang ambon kaya naaninag ko kung may tao sa malayo. Pero wala akong nakita.

Naglakad-lakad ako konti, sabik sa pakikipag kwentuhan kay red. Pero bigo akong hanapin siya sa kalsadang yon.

Sa bandang huli, nakita ko rin si red. Umuulan sa loob ng pagkatao niya. Kasabay ng pagkakatisod niya na pinakamalalim na lubak ng buhay niya.

1 Comment

Posted by on January 14, 2008 in Uncategorized

once in mortality

I am currently a full-time missionary of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints serving in Philippine Angeles Mission (Central Luzon Area). I am expected to devote all my time and attention on serving the Lord but would still appreciate any greetings or message from anyone who would like to give.

If there is any urgent information you think I need to know about, you can reach me through this email: dakilangduca@yahoo.com.ph but please be aware that I would not be able to response. On the other hand, I strongly suggest that you can just send letter through mail. Here are two ways

1. If you are a member of the said Church and you know any missionary from your area, you can send letter through them via LDS mailing system called "POUCH". All you have to do is to put your anything inside an envelope, write this information outside…
Elder Duca
Philippine Angeles Mission
POUCH
and give to any full-time missionary you know. Remember, missionaries are not mailmen but they would love to extend their assistance for their fellow missionaries.
2. If you are not a member of the said Church, the very first thing you need to do is visit http://www.mormon.org or be a member of it. If you dont want it, there is another way, its through traditional snail mail system. Just put this information outside your envelope…
Elder Alexander Duca
Philippine Angeles Mission
1827 E. Gumain St. Redwood Villas
Clark Field, Pampanga 2009

Sending letters would take 2-3 weeks for me to receive it but the worth of it is valuable.
So ano, sulat ka na! =)

PS: Include you complete mailing address if you wish to have a reply if you mail through snail mail.

Leave a comment

Posted by on January 3, 2008 in Uncategorized