RSS

Monthly Archives: November 2006

jacket. tumbler. headset.

sa isang sulok ng ortigas. sa isang kanto ng isang matayog na building. kasama ang mga taong uniporme na ang jacket at isang tumbler. sa tapat ng isang manipis at matingkad na lcd. sa pagitan ng headset…

obligado ba kong mag english? kelangan ba ng accent? o misyon ang makaresolba ng problema ng isang boses sa linya?

habang milyong tao ang nakalibing sa higaan at pagkahilik, dito sa ika-tatlomput dalwang palapag eh tila isang katanghaliang abala sa maraming bagay. nito ko lang napansin, nasa call center na talaga ako. nakajacket. may tumbler. may headset.

uuwi ako sa oras na maraming tao ang kasalungat ko ng landas. bibili ako ng taho para uminit ang sikmura. lasing akong magbyabyahe. salamat pa rini dahil walang traffic. ganito ang kwento, araw-araw. nagsisimula palang pero nasasanay na rin ang katawan ko. hindi naman nakakapgod. nakakatolero lang. nakakabangag. pero enjoy.

pattern nalang ang pressure at cycle nalang ang paghingi ng assistance. paulit-ulit na mock call at call barging. tatlong beses ang break at wikipedia lang ang ma-access sa computer. tulad ng maraming dilat din ang mata ngayon, patuloy ang trabaho. nagsisimula na ang pagsuot ng headset. at tatambay sandali sa pantry.

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on November 29, 2006 in Uncategorized

 

ortigas

tapos na ang unang linggo sa call center.

nakakatwa. para kang lasing palagi. mababangag ka sa walong oras na pagtitig mo sa LCD. At matotolero ka sa dami ng detalye na dapat mong tandaan. maasiwa ka sa english mong nag iinarte. hindi pala madaling makuha ang 13 thou per month. pero enjoy.

libre ang tubig. libre ang aircon.

 
Leave a comment

Posted by on November 18, 2006 in Uncategorized

 

November na; kanina pa.

composed NOV 11, 2006

Unang gabi ngayon ng kaibigan kong si jarel sa MTC. Okay fine, elder navarro. At naluha siya kaninang umaga. Kinilabutan ako. Kinilabutan ako sa pagbabago. Yung luha ni jarel, kung pwede lang magsalita, sigiro sasabihin niyang, "wag nyo muna akong iwan."

Pero kelangan maging matatag. Sa lahat ng oras. Ganito rin ang naramdaman ko, paulit ulit, nung nagdaang taon. Nakakaphobia pero hindi maiwasan. Tutal, masasanay ka nalang kung may isang bagay na paulit ulit at tila nakatalaga na sa taunang talambuhay mo.

Maglalakad ka mag isa pag uwi. At titingala ka sa buwan na ilang milyong taon nang hini nahuhulog. Ito rin ang buwan na nakita ni Adan. At ito rin ang buwan na nakikita nila.

At kahit malamig ang umuwi ng mag isa, hayaan mo, weird pero gagabayan ka ng buwan at iba pang tumitingala din dun.

Gabi-gabi.

 
Leave a comment

Posted by on November 18, 2006 in Uncategorized

 

NOVEMBER NA, kanina pa.

NOVEMBER NA.

another month. another tragedy. another apathy.
well, another hope.

masaya ang RYSA 2006. sabi ni elder fontillas, muka daw tayong hindi nasiyahan… umm, may point siya. However, worth it. astig ang venue. nga pala, isa ako sa committee staff. kudos pa rin.

para sa upcoming endeavor ni jarel, masaya ako. i hope natanggap mo na sa sarili mo na elder navarro ka by this month. kita kita tayo sa field as we labor deligently and agressively.

ate glayla. we are happy for you! next time, wag mo na kaming ilagay sa dungeon ha. hehehe…

kamustah ang call center career? nawawalan na ko ng gana. gusto ko nalang maghintay ng paparating na papel.

habitual late comer pa rin. hindi tuloy nakapag participate sa choir na pinaractice ng 4 weeks. sayang. lessons learned.

sa lahat ng nakabasa ng MORMONISM 101, helpful na basahin ang mga infos sa www.fairlds.org.

at para kay kuya nelson… naudlot ang aming madilim na plano. may ulam na sana. nalusaw pa. hehe…

 
Leave a comment

Posted by on November 11, 2006 in Uncategorized