RSS

Monthly Archives: July 2006

no mormons allowed

Behold, this is Satan.

Advertisements
 
3 Comments

Posted by on July 16, 2006 in Uncategorized

 

2:30 am

I do wonder. Going home at the dawn gives a chilling inspiration. Working for that something which is somehow blurred to see. But the goal is frightening clear that slaves the reality into a bitter and better state.

Madaling araw ang uwi galing trbaho. Masaya. Walang traffic. Walang init. Walang rush. Walang sasakyan. Kung minsan, masarap pa ring lumakad sa kalyeng sa umaga ay hndi mahulugan ng sipon pero sa gabi’y isang malwak na higaan.

Nakakalimot sa sarili. Hindi maipaliwanag kung gaano kasarap salubungin ang hangin sa madaling araw na hindi pa nahihingahan ng mga taong muling magpapakaabala. Masarap palang tumakbo sa dating tinatawiran lang. Pansamantalang nakalimot sa naka ambang hangarin na dahil sa lubak ng kalye eh matagal pa yatang makakarating.

Malamig ang aspalto. Parang natutulog din. Dahil alam niyang maya-maya lang ay bubugbugin na siya ng mga kaluluwang hindi nakakapansin sa tunay niyang silbi. Humiga sa kalyeng sa tanghali ay dinadaanan lang ng trycycle na sinasakyan. Tumakbo ng mabilis at mabagal. Tumalon ng mataas. At muling humiga. Nakakawala ng iniisip. Nakakagaan ng damdamin.

Nakalimot ako tulad ng dati. Laging nakakalimot o sinasadyang makalimot. Mula ng umuuwi ako kasabay ng mga taong papasok pa lang, unti-unti akong nakakalimot. Naa agnas ang paningin at para bang walang makapitan kundi ang kalyeng matiwasay na binibigyan ako ng daan. Alam ko ang dapat daanan. Pero ayoko sanang humiga ng mag isa doon.

Malamig ang aspalto at kelangan niya ng pang painit. Binigay ko ang likod ko dahil wala rin itong masandalan. Sa mga sandaling yon, ayoko ng bumangon. Dahil alam kong sisikat na ang araw. At nakakatakot ang bagong pag asa.

Pumara ako ng jeep at binalak kong sumabit. Pero pagod na ang mga tuhod ko.

Kahit kelan talaga, wala pa ring sasarap sa isang madaling araw na walang inaalala kundi ang dahilan ng pagdilim.

 
Leave a comment

Posted by on July 16, 2006 in Uncategorized

 

Have u?

In the dawn, facing the world. Nothing in mind. Except one thing. One thing.

Its the time when peace seems so far away. When goal becomes blurr. But the desire is still strong while the weakness slowly, very slowly, fading away, so far. And in some instances hunting the past.

There’s the awareness, but the obedience is but a hard challenge. The struggle arise with harshness and situations slave the reality. Then, spirituality battles with the carnal perspective, causing immesureable and descreet combat, within.

Vain decisions resulted a lot of dark causes. But the faith is still intact. Actions departed from what is trully in heart.

We know the truth. We know the principles. We have been taught righteously. We are free to choose. But the true dawn of life begins not with sunrise alone, but realizing how the darkness teach us to appreciate the morning when joy flies above the air bringing new hope.

 
Leave a comment

Posted by on July 9, 2006 in Uncategorized

 

One en.

One en.

SALAMAT NG MARAMI.

Hindi ko mabilang. Uncountable. Walang kapalit, parang mga sirang riles ng tren sa teresa.

Ipapakapa ko na sa iba itong account na ito. Kahit papaano naramdaman kong vice pala ako at nasa advertsing field ako nung mga panahon na yon.

Sa kaibigan. Na wala lang. Dahil walang katumbas na karahasan at karanasan at nabuo ko mula sa kanila upang makagawa ako ng isang larawan na naka desplay sa buhay ko.

Sa wala na. Nakaparami eh. Init pa rito sa computer chop na pinag internetan ko. Badtrip.

Pasensya, hindi ko na kayo masasamahan hanggang graduation at mawawalan na kayo ng isang gorgeous na kaklase. Pero ayos lang iyon, hindi naman nakakaiyak eh.

AT bumoto na kayo ng panibagong vp ninyo na mas gorgeous pa dapat sa akin.

Patuloy lang ang laban mga kapatid. May prinsipyo tayo. At kahit makaapat man na baguio trips ang magawa ninyo, hindi ako lalamigin. May babalikan ako kahit papano. AT sasama pa rin ako kasabay ng mga ihip ng hangin. Makikitambay at magbibilang ng cute sa tabi ng simbahan habang bumubuo ng pangarap. Uupo sa mabini circle at magpapaabot ng gabi sa mga internet shop na para bang hindi sa antipolo nakatira. Sympre kakain pa rin tau ng mga pagkain ni ate sa looban na tila walang kasawaan.

Tuloy ang tawa. Tuloy ang meeting. Tataas pa rin tayo ng kamay kahit praning ang profs at wala naman talaga tayong masasagot kundi ang mga naiisip l;ang natin.

Dilaw pa rin ang kulay at Ayepeng pa rin si Ayepeng. Balang araw makakalimutan ko kayo. Balang araw hindi tayo mag iimikan. Sa palagay ko, matutupad yon kapag lahat bumitaw na.

hehehe…

Isang malakas na tawa. TORETE. At… attiiiiiii… o kuyeiii….

 
Leave a comment

Posted by on July 9, 2006 in Uncategorized