RSS

Monthly Archives: May 2006

Sa mga kapatid ko sa 1NTREPIDOS.

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Para kasing walang katumbas na salita ang dalawang taong puno ng kulay. Masaya ako dahil napabilang ako sa section na yan. At kabilang kahit kailan. Nalagasan ulit tayo ng isa. Pero alam kong mas tatatag tayo. Walang kapalit ang 20 buwan. Ang dalawang episodes sa Baguio. Ang dalawang class presidents. Ang magagandang FAB5 at iba pang immaginary groups sa loob at labas ng silid. Ang mga crashes na pansamantlang nagpakilig. Ang mga hakbang sa west-wing na kasindami ng mga napag-usapan kapag walang dumadating na prof. AT marami pang bahagi ng college life na katauhan ko ngayon.
Mrami akong natutunan.
Mula sa bundok ng antipolo hanggang sa masalimuot na mga pasilyo ng PUP, nakaukit na sa kin ang mga bagay na hindi masaklaw ng buhay-kolehiyo.

Ayokong magpasalamat. Hindi ako nagpapaalam.
Wala namang kinalaman ang registration card na pagkakaibigan.

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on May 11, 2006 in Uncategorized

 

Ang Lobby. Ang kamao ng paa.

Naka mga naka walong araw na kong nagpapagal sa kainang iyon. Pinalilibutan ng mga taong mahilig lumamon at hindi marunong magligpit. hehehe. Magpupunas ng lamesa. Magtatapon ng basura. Magwawalis. Magma-mop. Mag pipiga. Mandidiri. Babati. Mag-e-spray. Lalakad at lalakad. Mansisipat. Kakain ng chiken mcdo. Magrerefill ng gravy. Mag pupushbrush. AT ang finale, ang maing closer. At makarinig ng sumbat.

Anim na oras. Apat na oras. Duguan.

Mahigit trenta bawat oras. Bawat patak ng pawis, dalwang piso.

Nakakamatay ang pagod. Nakakalasing ang paglalakad. Nasa true-to-life na lobby ako. Nagpapaka surivive sa masalimuot na kainan.

 
Leave a comment

Posted by on May 10, 2006 in Uncategorized

 

invisible

Walang saysay.

HIndi naman. May saysay naman minsan. Yun nga lang hindi mabato ang tamang kasiyahan.

Ohhh. malaki daw ang problema. Kasi pinapalaki. Pinatitindi. Nilalabanan. Nagpupumiglas. Nilulumpo ng kalituhan.

May layunin. Walang paraan. Walang maisip. May naiisip. Walang ginagawa. Puyat. Puyat. Nagsusuka sa kapupuyat. Nandidiri sa hindi maikubling nasa isip.

May nakakaalam? May tutulong? May mapagbubulungan? Meron pero wala. Wala pero meron naman.

 
Leave a comment

Posted by on May 10, 2006 in Uncategorized