RSS

Monthly Archives: April 2006

email #007

Pink para masaya ang life.
Nasan ka na ngayon? natrannsfer ka na ba? uu nga sad news nga na ilang testimony sundays nalang at uuwi ka na. nakakalungkot yun para sa mga taga ward natin.
musta work mo jan? alam mo ba, punong puno ng sulat ng mga missionaries yung billboard natin! eh sulat nyo un nung february pa kaya sulat ka n ng bago para sa ward. anu na nga palang balit sa iyo jan. sa susunod na magrereply ka o kung rereplyan mo tong email ko, magbalita ka ng marami tungkol sa iyo jan. cge kahgit maikling mga sentences lang.
sabi ni soy hindi ka daw nag rereply sa kanya. bwal ba kau mag email sa babae?
uumuwi na nga pala dito sa antipolo sina pres angoluan, kaso hindi ko pa rin natanogn kung saan sila sa isabela, tingin ko hindi mo na naman kelangan pa. sensya.
kakaiba ang eksena ng ward missionaries dito lenard. kakaiba kasi medyo nag iba na. hindi na tulad ng dati. ayoko sanang icompare ang sitwasyon noon sa sitwasyon ngayon dahil alam kong magkaiba sila. hindi ko naman kasi pwedeng masisi si jarel. alam ko naman kasing sa katotothanan ay hindi niya talaga ginusto ang pagiging ward mission leader. sa aking obserbasyon, medyo dumlang ang pag wowork ng ilang ward missionaries. pero syempre may mga magigiting pa rin na tumutupad ng calling nila. <ehem..> wla na kaming hom evening kada linggo at once a month kung magpa corelation si jarel. nitong sunday nag corelation kami dahil pinagpilitan ko kay jarel although hindi ako naka attend dahil nasa youth ako. tapos nag organize si soy ng home evening sa bahay nila kaso sina roge at ako lang ang ward missionaries na nandun kahit na nandun yung mga elder at sina dandy at danggoy. wala yung mga kapatid niya at tulog an mag asawa. pero masaya naman. para rin kaming isang daan sa loob ng bahay dahil mga kapokpokan nila clifford. kung pwede ko nga lang sanang akuin ang responsibilidad ni jayjay eh gagawin ko honestly. pero hindi iyon pwede kaya nga binibigyan namin siya ng pagkakataon na mamuno ayon sa kanyang paraan. at tinutulungan ko rin naman siya na parang ako ang assistant. pero alam kong wlang kasalan si jayjay dahil hindi naman niya ginusto na hindi gustuhin ang calling niya. kung walang pakialam ang isang ward missionary, hindi niya mapapansin ang medyo pababang antas ng pagfullfil ng calling ng bawat isa. pero ako, kitang kita ko at nila soy. hindi ko naman ito binabalita sa iyo para sisihin ang iba o para malaman mo na hindi nasunod ang ibinilin mo sa amin sa pamamamaalam mo sa text na sana ganun pa rin kami. ganun pa rin kami-mababait na ward missionaries. hehehe. pero alam mo bang todo talaga ang suporta ni kuya erwin sa missionary work na hindi matatawara. i salute him.
oo nakita namin yung name nyo sa LIAHONA, nasa listahan ng mga elders na pauuwiin.
saang kanto naman ng apartment mo ikaw nauntog at nasabi mong jan din ako sa cauayan maassign if ever? ayoko kitang makita no.
kung anu anung hula na nga ang naririnig ko kung kani kanino. sabi ni bro matulac sa mindanao daw ako <eeee.. yayks>sabi ni bro baluyot sa russia daw o kung hindi daw dun eh basta sa bandang north ng mundo <huh? napupunta bang pinoy dun?> sabi ni elder cliddor magiging zone leader daw ako <baka o-zone leader> pero kinilabutan ako. hindi pa nga ako nagpapasa eh kung anu anu ng pangarap ang naririnig ko. sa tuwing magkikita nga kami ni pres manzano, as in sa TUWING magkikita kami, eh ang pick up line nya: "kelan ka magpapasa?" nakakasawang sagutin. para bang nalimutan niya na naitanong nya sa kin yun kalahating oras palang ang nakakalipas. sabi ko, as asoon as possible, sabi nya, "and that is now".
napatigil ako.
eh hindi pa ko handa.
biglang naalala ko ang sinabi si clifford sa kin,
"pag hinintay mo pa ang time na handa ka na talaga, hindi ka makakapag mission."
tapos pumasok sa isip ko yung sinabi ni dani na minsang tinanung kung handa na nga siya…
"hindi rin, mga 70% lang."
Ganun.
pero alam mo, ang hirap pala talagang mag handa. ang hirap talaga. para bang mas madali ang maging simpleng mormon kesa ang maging tagapaglaganap sa mga magiging mormon. ewan ko kung nasabi ko na sa iyo dati, mula ng malaman ko na meron akong malakas na desire, lalong ring nanghina ang kahinaan ko. tumindi ang mga pagkakataon para magkasala. dumami. minsan hindi ko maiwasan. o bilang confession sa iyo, madalas.
nahihirapan ako ngayon. yun ang malinaw na nasa isip ko.
eh lagi ko pa naman naaalala yung sinabi ni pres utchdorf na sinabi mo din, "be a missionary long before you go on a mission." madaling marinig. mahirap intindihin. pinakamahirap isabuhay. pero masaya kapag sinunod.
nakakatawa ka nga dahil kung kelan nandyan ka na sa field tska mo palang dahan dahang natatalo ang weakness mo, eh sa kalagayan ko, dapat bago ko pa hawakan ang applicaton form, eh malinos na ang mga kamay ko, dahil sabi nga ni kya erwn, ndi naman lugar sa pagbabago ang mission although talagang malaki ang mababago nito sa iyo.
alam naman ng mga kaklase ko na titigil na muna talaga ako sa pag aaral para sa mission. nakakapagod na rin kasing maalog sa jeep at mag abot ng bayad. nalulungkot sila dahil hindi ko na sila masasamahan hanggang graduation namin. pero alam ko namang magkikita pa ulit kami. at alam ko namang dapat noon pa ay pinaghandaan ko na ito. isa kasi to sa mga sinasakripisyo ko. ewan ko lang nung time mo kung naging medyo makahulugan ang mag tigil mo.
eh kamustah naman ang mga kananayan at katatayan na nakikipag work sa inyo? grabe naman jan, bawal ang SA na babae mag work. ang higpit ah. cguro maraming malalanding SA na babae jan kaya pinagbwal yun. pero pwede rin ba silang mag work kung sila sila lang?
e itong si janina ay isang malaking JOKE.
may tanong ako sa iyo,
ANO ANG ISANG IPINANGAKO SA IYO NI JANINA BAGO KA UMALIS BILANG REGALO NIYA SA IYO?
think. think.
pero ituloy mo lang ang paglimot mo sa kanya for the good cause. nakakatuwang isipin na pagbalik mo sa ward natin eh ibang unggoy na ang maabutan ko.
Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on April 10, 2006 in Uncategorized