RSS

Monthly Archives: March 2006

malapit na… ang huling yugto.

Narito na. Nakaupo na. Tatayo rin. Nalamog na ang katawan. Naalog na ang ulo. Nabanat na rin ang mga buto. At napagod na rin sa pagkapit sa mga hawakan sa bwat biyahe na nababalot sa lamig ng hangit at sa dilim ng paligid.

Mga eksena sa na hindi na mabubura. Mga kwento na nakakatawa at nakakasawa. Mga usapan na walang katapusan at mga biro na hindi pa nadidiskubre ngunit nakakatawa pala. Mga tao na tumuturo sa gawin ang mali. At walang masisisi.

Ang saya. Para bang ayaw na munang talikuran. Ngunit may mas mahalagang ninanais. Ilang beses bang tumakbo? Ilang beses nahuli? Ilang beses pinagpawisan? Ilang beses gumastos? Ilang beses tumawid sa riles? Ilang beses napahiya at namhiya? Nasaan ang mga laway na produkto ng prinsipyo? Ilang beses binalisawsaw? Ilang beses nagkaron ng singaw?

Hindi maalis ang kalungkutan. Malapit na ang huling araw ng hibla ng kwento. May nalulungkot na pag-ibig. May nagmamasid na pagkakaibigan. May sariling pasya. May sa Itaas na dahilan.

Mabubura pansamantala ang mga tambay. Ang gala. Ang overnight. Ang pagpupuyat. At gawing araw ang hating gabi. Ang pagpapanggap. Ang paghaba ng leeg sa pagsusulit. At pagtubo ng sungay sa araw ng kagipitan. Ang pagpapatigas. Ang makasalang mata. At pinangarap na mga grado na kasing kwenta ng naapakang bubble gum.

Ang mabini circle. Ang tabing simbahan. Ang jollibee fernandos. Ang west wing. Ang lobby. Ang catwalk. Ang looban ng teresa. Ang LRT. Ang mga malls sa paligid na pawian ng pressure at pagkainip. Ang mga bahay na karugtong ng biruan. Ang mga computer shop na pook ng pagpapaubos ng pera at pangarap. Mga pasilyo na mapa ng hinaharap.

Naiintindihan mo ba? Malapit na silang magunaw. Pansamantala.

 
Leave a comment

Posted by on March 27, 2006 in Uncategorized