RSS

Monthly Archives: February 2006

Kamusta na ko?

KAMUSTA NA KO?

ahh,
wala makakapagsabi nyan. Pero madali lang sagutin kung wala sanang magrereklamo.

Nalimutan ko na kung sino yung estudyanteng minsang naglalalagalag sa ANHS noong panahong nag aaral pa siya ron. Marahil dahil sa naiba ang sistema noong mag college na siya. Lokohan.

Nalimutan ko na kung paano ba siya mag sulat noon. Kung mas naging epektibo ba siya ngayon o nawala nlang basta ang husay niya dahil walang nakaka impluensya.

Nalimutan ko na kung sino siya dahil wala na raw siyang mabugahan ng mabahong hininga.

Nalimutan na rin yata niya sa araw araw nyang pag yugyug sa masahol na kalye ng maynila na may nakamabang pangarap siya para sa taong ito, subalit patuloy pa rin siyang nagpapadapa sa mga humps. Gago.

Nalimutan na niya na may kaibigan siyang nasa Baguio. Nasa ibat-ibat dako ng Pilipinas at ngayoy nagbabalak naman siyang mang iwan.

Nalimutan na niya kung ano ang ibig sabihin ng malalim sa mababaw. AT ptuloy lang siya mga gawaing hindi niya alam ang kahihinatnan.

Nalimutan na niyang nagkaroon siya ng kaibigang tinuring nya ng mali at ngayon puro gali umano ang laman ng kanyang, isip.

Nalimutan na niyang gumalaw.

Nalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng pressure. Ng exhausted. Ng stressed. Ng tanga. Ng magaling. O nagmamagaling.

(unfinished)

 
Leave a comment

Posted by on February 28, 2006 in Uncategorized

 

WALANG BALITA

wala talaga.

matagal na ring hindi nagtype si alex sa blog nya. tila naman kasi wala siyang maibabalita. mga dissappointments? mga sins? mga frustrations? mga deviances? mga time-killing moments?

wala talaga.

malapit na ang huling buwan. ilang pagsikat nalang ng araw. maya-maya pa.

madalas tumengga ang puwetang nag-iinit lamang sa mga pasilyo ng tabing simbahan na malapit sa anonas. tapos yung isip nya, hindi mo malaman kung makabuluhan ba yung isiisip o nakikibagay lang.

walang accomplishments.

wala kasing tinahak na opurtunidad. mamamatay oras daw siya ngayon. para bang naghihintay lang ng katapusan at muli daw magsisimula. hmmm. nagsasamantala sa mga sandaling malabo ulit maulit. pero paulit ulit ngayon.

walang pressure.

naninibago. namimiss ang buhay 2 taon ang lumipas noong inuugatan sa mga resposibilidad na kulang ang dalawang kamay. may nakapansin ba? ang sariling katawan na pagod dahil walang ginagawa.

walang pagod.

napapagod dahil nagigising sa boses ni dureimon. at nakakatulog sa pilandit ng keypad gawa ng unlimited.

stagnant.

hindi matuloy sa pagiging WML. hindi maipaglaban ang dissapointment sa sistema ng SALESMANSHIT. hindi makapaglahok sa masalimuot na student council gawa ng nakaambang sakripisyo. hindi makapag ambag ng sulat sa anu mang dyaryo. hindi makag epal sa anu mang bulwagan.

nakikibagay sa mga generic na tao.

 
Leave a comment

Posted by on February 24, 2006 in Uncategorized