RSS

Monthly Archives: November 2005

TINGALA

Madalas nakatingin sa buwan pag ginagapang ng lumbay sa paglalakad. Kahit saan abutin. Sa mausok na lansangan ng Sta. Mesa o kahit sa malamig na mga aspalto ng Antipolo. At kapag nakakalanghap ng usok mula jeep, hindi nagtatakip ng tenga, ngunit tatalikod.

Sa tuwing nagliliwanag ang buwan, marami itong pinababatid. Mas malaks ang kalungkutan sa mga oras ng pag-iisa. Mas maraming naiisip na mali. Mas hindi mabilang ang mga pagnanais na hanggang pag nanais nalang yata. May mga tauhan na nasa malayo. May mga kapwa na katabi ng puso ngunit hindi ng katawan. Pero patuloy ang kasiyahan kahit kinikilabutan ng lamig.

Dahil sa sinag ng buwan, nalalaman na nasa kabilang dako lamang sila ng mga islang tila palaisipan. Ang buwan na ito, ito rin ang buwan na natatanaw niya. Na nadudungaw sa bintana. Na nasisilip sa jeep. Na sumusunod sa bawat lakad. Na nagrerepleksyon sa mga matang may pag-asa, tagumpay, at kaunting lumbay. Dahil sa buwan, nararamdaman ang prinsipyong nagpapatatag ng loob.

Na nasa isang daigdig lamang. AT ang mga karagatan, damuhan, bilang ng alikabok ay hindi mga hadlang para sa muling pagkikita na hihintayin ng mga gawaing nakakawalang malay. Na nagpapabilis ng sandali. Na nagpapatibay ng bigkis. Sa ngayon, nagpapalamat sa buwan. Sa buwan na malamig ngunit may dalang init sa puso. Kahit matakpan man ng mga ulap, ang pananalig na nakaubli lamang ito ay nabubuo at umuunlad. Kahit papaano, nawawala ang lumbay. At napapalitan ng ligaya na higit pa sa mga ngiti. AT mga hinahandang yakap. AT iniipong luha.

Sa susunod, bilog ang buwan.

At lahat ng tauhan ay nakatitig doon.

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on November 21, 2005 in Uncategorized

 

ang tanga ng bag, hindi sumigaw.

(around august 2005)

SIMPLE LANG,

WALA NA KONG CELPONE. HINDI MO NA KO MATTEXT
PERSONALY. PERO TXT MO KO DUN SA DATI KONG #, (NUMBER YUN NG ATE KO).
MAY DUMUKOT KASI NG BAG KO HABANG KUMAKAIN KAMI NG MGA FRIENDS KO, SYEMPRE KASAMANG NAWALA YUNG MGA
DOCUMENTS KO, SKUL I.D., REF\GISTRATION FORM SA SKUL, PLANNER, CD, EYEGLASS PARA SA ASTIGMATISM KO, 200, AT MGA PAMPAGANDA.

HULI NA NG MALAMAN KO.
MASYADONG MATARIK ANG MGA ESKINITA KAHIT SUMUGAL KAMI SA PAGHAHANAP.

MGA TEXTMATES (BHON, RICHAEL, TRIXIE, CANDY, LALO KA NA NEIL) AT MGA FRIENDS AT SPECIALS,
PASENSYA NA TALAGA. HINDI KO ALAM KUNG MAGKAKAROON PA ULIT AKO. PERO DITO SA FRIENDSTER NA HINDI NADADALA NG BAG, PWEDE PA RIN TAYO MAG-USAP.

SA PUP, TERESA STREET, ISA SA MGA EATERIES
BANDANG ALASSYETE IMEDYA NG GABI

 
Leave a comment

Posted by on November 1, 2005 in Uncategorized