RSS

Monthly Archives: October 2005

TAMBAY

Whew…

. defense sa ad concept. report sa finance. one-act play sa english. lyrics sa ICT. bring-home finals. Regional YSA conference. Acquianters night Committee. Power point presentation. Encoding. dance presentations. Presentation od theme. Documentation Committee sa baguio. BAGUIO. leadeship seminar. Vice president.  Overnights. Head. Leader. Member. Mga ganun. Tanong ka pa.

 
Leave a comment

Posted by on October 10, 2005 in Uncategorized

 

minsan… may 2-1N.

Seminar_pic

Bilangin mo lahat ng ngipin. Tapos i-times mo sa 10 billion. Sa isang shot lang, nakuhaan iyon ng camera. Ngayon, babalik-balikan mo nalang. Forever.

 
Leave a comment

Posted by on October 3, 2005 in Uncategorized

 

may isang email na pakalat-kalat, pinulot ko at pinost sa blog

Bakit naman po hindi okay yung paglayo ko kay *? Ayos lang naman sa akin yun ah. Kung mababsa mo lang sana ang journal ko. Ewan ko ___ pero nitong mga nagdaang araw mga kwento ni * ang naisusulat ko dun ng hindi ko namamalayan. Masaya ba ako? Masaya ako dahil ikakabuti ko rin ang nangyayari. Bilang prangka, ayokong mainlove kay *. Ayoko.  Nakakapagod kasing magmahal na palalabasin mong "love of friendship" lang. Kahit may bahagi sa sarili ko na hindi ako masaya sa patuloy na pakikipag tunggali sa kung ano ang tama at sa kung ano ang totoong ako bilang natural man, natitiis ko yon. Dahil kahit saklaw ng pag-ibig ang buong pagkatao, hindi nito kayang sakupin ang lahat ng batas sa buong mundo.
Sa totoo lang, nagbago lang talaga kasi ang lahat. Pero tulad ng dati, kelangan nating masanay lagi sa bawat pagbabago na nagaganap minu-minuto. Pero kahit pilitin ko mang masanay sa patuloy na pagbabago, hindi ko pa rin maalis sa sarili ko na may mga bagay pa rin akong hinahanap-hanap. NOSTAGLIA. Longing for the past. Minsan gusto kong tumigil nalang ang oras upang hindi na madagdagan ang kasalanan ko, o para hindi na ako maghanap pa nga mga bagay na hindi makakabuti sa akin sa huli. Patuloy ang tunggali. Patuloy ang pagdarasal.
Si *? Isa siya sa mga taong minsan ay sagot sa panalangin ko. Ngunit tila pinatikim lang ako ng pagkakataon. Hindi naman ako nagsasalita ng tapos pero ito ang naiisip ko ngayon. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa pero ayoko ring umasa dahil ayoko ng magdrama pa lalo sa huli.
Naiintindihan kong malaking bahagi ng isip at atensyon niya ngayon ay nakatuon doon sa *. Marami ang nagsasabi na masaya sila para kay *. Masaya sila bastah masaya siya sa ginagawa niya. Ayokong palabasin na isa ako doon. Pero ayoko ring palabasin na alam ko ang lahat ng tama at mali. Pero sa ginagawa ngayon ni *, hindi ako palagay. May risk kasi akong nakikita. Hindi ako pessimistic. Ayoko lang madala siya sa pagiging SIYA.  Kung sa bagay, hindi ko naman masasabing mabuting kaibigan ako. Ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko ipinag utos na maramdaman ko.
May girlfriend ngayon si *. Halos nagloload siya lagi ng 300 para matawagan si * sa *. Hindi ko alam kung paano, pero sapat ng sabihin nya ang pamagat, "kami na". Kunwari hindi ako nagulat. Pero sa totoo lang nabigla ako. Bilang reaksyon, binatukan ko nalang siya ng bagong bili kong *. NAsa * kasi kami last- last wed. KAsama ang ** ng *** at sila ****. Aware naman si * na pinasasaya siya ngayon ng mga rationalizations at pagpapalutang ng tama sa mali. May tiwala pa rin ako sa kanya. Kaya nga upang hindi na ako mag mukhang epal, dumedenpende na lamang ako sa kung paano nya iha-handle ang sitwasyon nya ngayon.
Sa kabilang banda, masaya naman ako. Trust me ____. Masaya ako. Masaya ako kay * dahil masaya naman siya. Masaya ako hindi dahil sa malapit kami ngayon o dahil sa nagtutulungan kami. Masaya ako para sa kanya pero ayokong ipaalam yun dahil may iba pa siyang dapat atupagin at marami din akong dapat isipin. Salamat sa pagiging abala.
Ayan, napahaba tuloy. Kaw kasi.
(may mga bagay na dinelete, name withheld, ewan ko kung bakit… bastah, nakakaapekto ng pag-iisip ang pahinang ito… hindi ito para sa iyo. para ito sa pangyayaring nasasaad.)
 
Leave a comment

Posted by on October 3, 2005 in Uncategorized