RSS

Monthly Archives: August 2005

BUSOS NA SANA

SIMPLE LANG,

WALA NA KONG CELPONE.

 
Leave a comment

Posted by on August 23, 2005 in Uncategorized

 

mula sa utak papuntang profile

About Me:
Marami.

akong friends

akong textmates

akong kaaway

responsibilidad

akong katangahan

akong kasalanan

akong tinta

akong awitin

akong tula

akong journal

akong laway

akong kababuyan

akong kaibigan na naging kaibigan dahil nakatitigan ko

akong text messages dahil unlimited ako

akong kwento dahil hindi ako natutulog maghapon

akong tambayan dahil mahilig akong mag-isip

akong lovelife or lovelives dahil mahilig ako mangyakap

akong kakilala dahil kilala rin nila ako

akong kafriendster dahil nagfre friendster sila

akong paniniwala dahil napatotoo ko na o kaya ay nahawaan ako

akong pinag aaralan pero bobo pa rin ako ngayon

akong kamalian pero nahihirapan akong magpakabuti

akong kabutihan dahil mahilig akong masinungaling sa sarili ko

akong katabi dahil mahilig ako sa masikip

akong kausap at kausap nila ako

akong oras na nakdilat lang pero parang walang nakikita

akong oras na kikinig ako pero wala na kong matandaan pagkatapos

akong laro pero madali akong pagpawisan

akong kilalang bisexual at mga adventorous sila

akong kasex pero kaunti lang ang lalaki sa babae

akong sinasabi ngayon dahil

akong pera galing sa pawis ng ate ko

ako ngayong naiisip pero wala akong nabubuong ideya.

 
Leave a comment

Posted by on August 15, 2005 in Uncategorized

 

tatlong hakbang

tatlong taon lang naman.

nung sabado hinatid namin si maia sa MTC.

nakapa bigat ng pangyayari. Ang paghatid ko kay maia or elder martinez ay naghudyat ng maraming bagay. Sa isang banda, nagulat ako. Tapos nagising. Tapos naging tao at muling nangarap na maging mabuti. Maya-maya, tumanga ako sa pinto ng jeep, naramdaman kong nakatingin si nad, kaibigan ko, alam ko iniintindi nya ang nangyayari pero kinukulayan lang nya ng gaan ang lahat. Ng mga oras na iyo, nasa loob na si maia ng isang lugar na huhubog sa kanya upang maging epektibo.

Nang sinabi na ng isang trainor doon ang kanyang room at bed # at binigay na ang susi, sinabihan sya nito na magpaalam na sa pamilya at kaibigan dahil sa oras na pumasok na sya sa loob hindi na siya maari pang lumabas.  Nagulat ako. Kakaiba ang pakiramdam. Mistulang manhid. Natanaw ko nalang bumubuhos na ang emosyon mula sa mga mata ni maia. Umiyak si elder martinez. AT isa-isa namin siyang hinagkan kahit sa totoo lang ay hindi na pwede.

Bago pumasok sa pinto si maia, paulit ulit ang pagkaway nya. Bwat kaway nya tila may mensahe sa kin. Paulit-ulit. Maya-maya pinapauwi na nya kami.

Bilang tao, mahirap tanggapin ang paghihiwalay, ngaunit bilang nilalalang na may pananampalataya, mahirap man sa dibdib naroon naman ang kasiguraduhan.

Masaya ako para kay elder martinez.

Kahit na tatlong taon pa muli bago cya makita ng aking mga mata, alam ko nasa tabi ko lang si maia. Nakakagulat talaga. Naging madalas kasi ang bonding naming dalawa nitong mga nagdaang araw. At sa isang paghatid lang, nagsimula na ang tatlong taon.

Tatlong taon.

Matagal din iyon. At hindi ko alam kung anu-anong uri ng pangungusap ang mabubuo ko upang makalikha ng mga kwento. Sa ngayon naghahanda na ko sa tatlong taon na mapupuno ng ibat-ibang kulay.

Nandito lang ako maghihintay. Marahil hindi ko mamamalayan tapos na ang tatlong at babalik din sa dati ang lahat kahit laging gising ang pagbabago. Napapa hinga na lamang ako ng malalim dahil wala akong magagawa kundi ang umangkas sa bawat desisyon. At gumawa rin ng bagay na maaangkasan ng iba.

Sa ngayon, mula sa lima, dalawa nalang kami. Ang unang tatlo na nabuo, yun din ang unang nang-iwan. Pero hindi sila basta umalis dahil nag-iwan sila ng mga bagay na hindi na nila maaring bawiin. At daratying din ang oras na isa nalang. At magpapakatatag ang isang iyon.

Ganito lang naman talaga ang laro. Pagkagising ko ng hapon, nanabik ako sa nangyari ng umagang iyon. Paulit-ulit ang eksena. Talagang nakakagulat. Malungkot man ang katawan, patuloy pa rin. Babalik din naman sila, ang tangi ko lang naman gawin ang maghintay na dumating ang yabag ng kanilang mga paa.

Si elder martinez.

Marami siyang kwentuhang naiwan. At matutuloy ulit iyon. Kahit na hindi ko maramdam ang pagtambay namin, alam ko nasa kabilang panig lang siya, at buhay, at nasa isip na may babalikan siyang naiwan. Masaya na ko.

Sa mga oras na ito, tatlong araw na ang nagdaan sa tatlong taon. At marami pa. Maghihintay ka rin ba?

 
Leave a comment

Posted by on August 8, 2005 in Uncategorized