RSS

Monthly Archives: July 2005

anung balita two weeks ago?

2nd year na ko. AT lumipas ang ilang buwan na napakaraming kwentong nabuo.

Maraming bagong karanasan. Bagong mga kaibigan. Bagong mga natutunan. Bagong kakalimutan. BAgong hiwalayan. Bagong katext. Bagong kafriendsters. Bagong year-level. Bagong chapter.

SA ngayon,
may bago na kong SIM : 09183642296

2-1N na ko sa advertising

na-receive na ni propetang Jeremaia ang Mission Call nya patungong Cebu Mission

Ikinasal na ate ko!
At salamat sa mga nakisaksi sa kanilang pag-iisang dibdib, karangalan po na bahagi kayo ng makasaysayang kaganapang iyon. Punta na sa Riad bayaw ko eh.

SA masagana chapel ang services namin dahil pina pa aircon ang Stake Center

Marami na kong utang sa Journal ko.

Katatapos lang ng trabaho ko sa DepED at talagang ndi ko un makakalimutan

Katatapos lang athletics event, huh! napagud ako.. kahahanap sa kanila! WAAHH! ang value meal ko sa Mcdo!

SI kaila nasa St. Loiu at nursing cya dun! Miss ko na nga talaga ung kabayong yun!

veejay, tama nga si kaila, may nagbago sa iyo pero ewan ko lang kung pansin mo iyon. Pero mas mabuti ng hindi. Attend ka lagi insti para bumait ka. At huwag kang laging tumatanggi para hindi ka pilitin. Pakikisama ang term dun.

Jarel, sarap ng testi mo. Salamat.
Na feel ko na lagi ka palang nandyan, hayaan mo iyung-iyong lang ako.
Hehehe…

Vera, pa-copy nga pala nung mga pics nyo sa Regional!
Specialy yung pic ni janina at veejay! BF mo na si AJ?
Punta tau sa QCPIR ngaung thursday, rampa tayo. Kailangan ko ng
makita si AJ. URGENT na ito.

JM, gudlak sa preparation. Alam ko excited ka na. AT alam ko rin na mas babanat ngayon si Satan. AT email lang ng email okay, para may inspirasyon.
MASTUR! 2 weeks ka na lang sa YM? huhuhu… sino yung "cool"
na papalit sa iyo?

Nad, salamat sa amin ni jeremiah.
Gudlak din sa preparation. IIwan nyo na ko, physically.
AT gudlak din dahil tatanda ka na talaga!! bwahaha!!

Mga KA-DepED, miss ko na kayo! Hindi ko kayo malilimutan!

Who I Want to Meet:
gusto mo ko ma meet?
eto yahoo id ko: gorgoeous_lexie
or kung bi ka eto naman: xanderstreet

09183642296 u shud be SMART

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on July 18, 2005 in Uncategorized

 

sampung daliri, busy ang isa

salamat sa unlimited/ dahil nakakatxt kita

salamat sa celpone/ dahil nakilala kita kahit paano

salamat sa oras/ dahil may nagagawa ako habang natutuwa

salamat sa keypad/ dahil nakakausap mo ko

salamat sa signal/ dahil parang nagkatabi lang tayo

salamat sa daliri ko/ nagmistula silang bibig

salamat sa mata ko/ nakikita ko ang hindi nito nakikita

salamat sa tulong ko/ natututo ako mag isa

salamat sa mga messages/ tila wala iyong katapusan

salamat sa mga salamat/ pakiramdam ko buhay pa ko

salamat sa gudnyt/ pwede na rin akong matulog

salamat sa gud morning/ may isang magandang araw palang parating

salamat sa message received/ akala ko kasi send lang ako ng send

salamat sa sim/ backbone

salamat sa kwentuhan/ teka, puro siya ah

salamat kay leah/ naging malapit tayo kahit hindi tayo magkatabi.

 
Leave a comment

Posted by on July 18, 2005 in Uncategorized

 

nasa hagdan lang ako

e anung magagawa ko, eh sa nag-way kami eh. pero pinagdadasal ko na sana bumalik na rin agad sa dati ang bagay na un. hindi ako nagmamadali pero nananabik na ko.

bumalik ka na. wag na tayong makipagmatigasan. mahihirapan ako. pero ewan ko lang kung ano ang panig mo. basta ang alam ko, hindi tayo ayos ngayon. siguro dahil sa kagagawan ng kababawan. o kaya yung tinatawag na PRIDE.

eh, panu yan, kita mong dahil sa magiging calling natin dapat na tayong magkaayos. kawawa ang work ni God. pero mas kawawa tayo. dahil hindi tayo nagro-grow. o siguro ako lang yung hindi umuunlad dahil mistula pa rin akong tanga kung magdesisyon. para akong walang naranasan sa mga nagadaang mga oras. o sadyang tuluyan na akong nabobo dahil sa kapupuyat.

pagpasensyahan mo na ako. kung minsan lang talaga wala akong karapatang magpayo dahil dapat na ako na muna ang sumunod sa sarili kong payo.

ewan ko ba, pero napapagod na rin akong makisama.

nakakapagod ang mangarap na isang araw darating yung taong matagal mo ng hinihintay. pero ang punto doon, hindi siya para sa iyo hanggat hindi ka marunong maghintay.

maghihintay lang ako. siguro uupo lang muna ako sa hagdan. pagkatapos magbibilang ako ng mga dumadaang sasakyan sa labas ng gate. hanggang sa tumabi ka sa kin. "kamusta na?".

 
Leave a comment

Posted by on July 18, 2005 in Uncategorized

 

baka kainin ng pusa

basta ako umuuwi ako ng gabi

hindi dahil sa gusto ko yon, kundi iyon ang kailangan.

ni hindi ko nga alam kung dapat ko bang utusan ang mga paa ko na madalas ay nakalalakad lamang sa labas ng pinto

hindi ko hilig ang pag-alis sa bahay, kundi pangangailangan ko iyon.

nakakalungkot ang tv, nakakapawis ang radyo

at nakakatanda ang pag-iisip habang nakaupo sa supa.

pagkatpos bubuksan ko ang ref. malamig sa ref, mainit ang likod nito.

kung minsan nakakabagot ang araw at masarap mag byahe ng gabi, hindi dahil sa wala ng traffic ng bandang alasdyes kundi dahil marami akong lasing na katabi.

sa pag-uwi ko ng gabi, mas nararamdaman ko ang sarili ko.

sa pag-uwi ko ng gabi, hindi ko na nakikita ang mga kasalanan ko dahil madilim na.

at sa pagkatok ko, bubuksan ng nanay ko ang pinto

at sasabihin niya, kumain ka na. may ulam sa lamesa.

takpan mo pagklatpos mong kumain. baka kainin ng pusa.

 
Leave a comment

Posted by on July 14, 2005 in Uncategorized